INAMIN ng actress-beauty queen Harnaaz Sandhi ang naging dahilan ng kanyang weight gain matapos itong manalo sa Miss Universe 2021.
Sa kanyang Twitter account ay isiniwalat ng dalaga ang kuwento sa likod ng biglaang pagdagdag ng kanyang timbang.
“Around 10-30% of the global population suffer from food allergies. I am having gluten allergy that is common and relatable to a major proportion of people worldwide which is manageable by just eliminating a few food groups from the diet,” saad ni Harnaaz.
Nagpasalamat rin ang dalaga sa pang-unawa na ibinibigay sa kanya ng Miss Universe organization.
Around 10-30% of the global population suffer from food allergies. I am having gluten allergy that is common and relatable to a major proportion of people worldwide which is manageable by just eliminating a few food groups from the diet.
Thank you for understanding. @MissUniverse— Harnaaz Kaur Sandhu (@HarnaazKaur) April 3, 2022
Ayon sa isang website na tungkol sa kalusugan, ang gluten allergy ay mas karaniwang tinatawag na celiac disease.
Ito ay isang seryosong autoimmune disorder kung saan ang tanging gamot sa ngayon ay ang pag-iwas sa mga gluten-containing foods gaya ng mga tinapay, pasta, cereal, crackers, at marami pang iba.
Matatandaang umani ng pambabatikos sa social media si Harnaaz dahil sa kanyang weight gain.
Marami kasi sa mga netizens ang nakapansin ng pagbabago sa katawan ng reigning beauty queen buhat nang manalo ito sa sa nagdaang beauty pageant.
Nanatili namang tahimik si Harnaaz sa kabila ng mga body-shaming comments ng mga tao na hindi man lang inalam kung ano ang maaring dahilan ng kanyang pagtaba at mismong women’s month pa nang i-bash siya ng mga ito.
Hindi na rin naman bago sa mga beauty queens ang body-shaming dahil maski si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay nakaranas nito.
Kaya naman agad na ipinagtanggol ni Catriona si Harnaaz sa mga bashers noong nagdaang buwan.
“It’s unfortunate that the public still finds the need to tear a woman down in that way. We’re campaigning so hard that beauty queen title or Miss Universe should be more than an image,” saad ni Catriona.
Bukod pa rito, hindi lang naman daw nasusukat sa size ng katawan ang pagiging beauty queen lalo na dahil may mga responsibilidad na kaakibat sa bawat mananalong kandidata sa Miss Universe.
“And she is not limited by what her body shape is. She’s a spokesperson at the end of the day. That’s what I believe. And she’s effectively doing her role as Miss Universe and I feel that she should be celebrated,” depensa ni Catriona kay Harnaaz.
Related Chika:
Indian model-actress na si Harnaaz Sandhu waging 2021 Miss Universe