Darryl Yap alam na ‘kakampink’ ang isang karakter sa kanyang ‘Lenlen’ series: Simula’t sapul siya ay maka-Leni

Darryl Yap alam na 'kakampink' ang isang karakter sa kanyang 'Lenlen' series: Simula't sapul siya ay maka-Leni
NILINAW ng direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap na walang naganap na “switch” sa isang Mosang character niya sa “Lenlen” series dahil umpisa pa lang ay talagang si presidential candidate Vice President Leni Robredo na ang sinusuportahan nito,

Naglabas ng pahayag ang direktor ukol sa isyu sa kanyang Facebook account nitong Biyernes, April 15.

Bago pa man daw maging parte ng “Lenlen” series si Rowena ay tinanong ito ni Darryl kung okay lang sa kanya ang ino-offer nitong trabaho kahit na iba ang kanyang sinusuportahan.

Pumayag naman daw ang ginang at sinabing “Oo naman anak, kayang kaya, work…”

“Our Mommy Rowena Wengkie Quejada has always been a KAKAMPINK. Wala pong #SwitchToLeni kasi Leni po talaga siya noon pa man,” saad ni Darryl.

Bukod rito, aminado rin siya na hindi lahat ng kanilang kasama sa VinCentiments ay iboboto ang presidential candidate na so Bongbong Marcos kahit na ito ang kanyang sinusuportahang kandidato.

Dagdag pa ni Darryl, “Hindi po totoong nagbago ng isip ang Mommy Weng namin. Talagang simula’t sapul siya ay makaLENI. Gayunpaman, walang lamat o bitak sa aming samahan.

Aniya, pwede naman daw na magpatuloy ang pagkakaibigan at trabaho kahit magkaiba pa ng political stand basta manatili ang pagrespeto at pagtanaw ng utang na loob.

“Siya po ay 12 years ko nang kaibigan at nanay-nanayan. Hindi po si Leni o BBM ang susukst sa aming pagmamahal sa isa’t isa,” sey ni Darryl.

Samantala, nag-post naman si Rowena ng screenshot ng kanilang pag-uusap ng direktor.

 

 

Base sa screenshot, tinatanong niya si Darryl kung nagalit ito sa kanya dahil sa kanilang magkaibang pananaw sa politika.

Sagot ni Darryl, hindi ang eleksyon o ang iba pang paparating na eleksyon ang makakasira sa kanilang matagal nang pagsasamahan ni Rowena.

Pinasalamatan naman niya ang direktor dahil sa sinserong pagmamahal nito sa kanya.

“I am blessed that i have decided to come out in the open that i am pink, my heart is pink, the future of the Philippines is pink and the right direction for a better 6 years of our lives is pink,” saad ni Rowena sa caption.

“Maraming maraming salamat KAKAMPINKS, sa pagmamahal, sa suporta, sa respeto. Lalo n’yo lang pinatunayan sa akin TAMA ANG DESISYON ko at TAMA ANG TININDIGAN ko. Lalo’t higit ang kasiyahan at kapayapaan ng puso ko dahil sa pagmamahal, respeto at pang-unawa ng aking anak-anakan Direk Darryl Yap,” pagpapatuloy niya.

 

 

Sey ni Rowena, kahit na magkaiba ang kulay, magkaiba ng pinaninindigan, magkaiba ng tinitindigan at sinusuportahan, pinag-isa sila ng radikal na pagmamahal.

Nakiusap rin ito sa madlang pipol na huwag nang mag-aksaya ng panahon para pag-awayin sila ni Darryl.

“PAKIUSAP sa mga hindi nakakaunawa, please po wag na kau mag-aksaya ng oras para pag-awayin po kami. Malinaw po, hindi ang anumang eleksyon, hindi PINK at PULA, lalong hindi si LENI at BBM ang sisira sa aming dalawa. Salamat po.”

Matatandaang nag-trending kahapon si Rowena, isa sa mga karakter na gumanap bilang Mosang sa “Lenlen” series ni Darryl Yap na ipinalabas sa VinCentiments page.

Marami kasi ang nakapansin na dumalo ang ginang sa naganap na Leni-Kiko campaign sortie sa Pampanga noong April 9.

Marami ang naghinala na nagbago ang isip ni Rowena at lumipat sa Leni-Kiko tandem dahil naunang nakilala ang ginang sa naturang series kung saan kasama nito ang kapatid ni Bongbong na si Imee Marcos.

 

 

 

Related Chika:
Gumanap na Mosang sa ‘Lenlen’series, nag-switch bilang kakampink?

Darryl Yap binanatan ng ‘Kakampinks’ dahil sa ‘Exorcism of Len-Len Rose’, pero kinampihan ng BBM loyalists

Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Read more...