Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Janno rumesbak sa nagsabing 'kapit' siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

BINUWELTAHAN ng actor-singer na si Janno Gibbs ang isang netizen patungkol sa sinasabi nitong dahilan kung bakit siya “kumakapit” sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Kamakailan kasi ay naghayag na rin ang singer-actor ng kanyang pagsuporta kay VP Leni sa pagtakbo nito bilang pangulo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pink artcard sa kanyang Instagram account.

“Sa gobyernong tapat, angat buhay lahat. Sa gobyernong huwad, lahat tayo tuwad,” saad ni Janno.

Hati ang naging pananaw ng mga followers ni Janno sa paghahayag niya ng sinusuportahang kandidato.

May ilan na masaya sa kanyang choice samantalang ang iba ay kinukwestiyon ang desisyon ng aktor.

“Siguraduhin mo lang dahil kapag nagkataon paano naman kaming mahihirap? Kapit lang naman kayo dyan para maibalik ang ABS-CBN. Kung nagbabayad kasi sana ng buwis, hindi umabot dyan. Just comment lol oh papatol yarn sabay delete,” mapaghamong saad ng netizen kay Janno.

Hindi naman ito pinalagpas ng aktor at agad na ni-replyan ang comment ng netizen.

“Banned ako sa ABS! Di mo ba alam?” sey ni Janno.

Agad namang humingi ng tawad ang netizen sa aktor at sinabing hindi siya updated sa balita.

“Banned ba? HAHAHA sorry-sorry di ako updated sa ganun. Yun lang kasi alam ko,” hinging paumanhin ng netizen kay Janno.

Pero mukhang labas sa ilong ang pahayag ng netizen dahil parang sarcastic ang mga sumunod nitong pahayag.

“Parang gusto ko na nga rin lumipat sa kakampink masyado kasing matalino ang Pilipinas. Kailangan ng lutang na presidente para naman bumagsak kahit papano. Perwisyo kasi sa pangarap ang higpit masyado. Wala lang, masama lang loob ko sa lahat palabas lang ng konti,” dagdag pa nito.

Sa isang comment rin ay may isa pang kumwestiyon kay Janno kung bakit si VP Leni ang presidente nito dahil mas maigi raw iboto si Manila Mayor Isko Moreno o si Sen. Ping Lacson.

Pag-amin niya, si Lacson ang una niyang choice ngunit ngayon ay pinipili niya na si VP Leni dahil iniisip niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

Samantala, ang sinasabi atang pagkaka-“ban” ni Janno sa ABS-CBN ay ang pagbibiro nito noong hindi siya nakasama sa Christmas Station ID ng Kapamilya network.

Sa katunayan, muli itong naungkat nang diumano’y na-cancel ang kanyang guesting sa noontime show na “It’s Showtime” para i-promote ang kanyang pelikula.

Nilinaw naman ng programa na walang silang kina-cancel at mukhang nagkaroon ng hindi maayos na komunikasyon sa dalawang partido.

 

Related Chika:
Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

Wala akong galit kay Janno Gibbs at wala akong galit sa puso ko

Janno nakipag-date sa tibo: Ako ang first experience niya tapos nabalitaan ko lesbian na ulit siya

 

Read more...