Michelle Madrigal certified dalaga na uli: ‘Letting go to free myself…’

Michelle Madrigal certified dalaga na uli: 'Letting go to free myself...'

ISANG taon matapos nilang ipaalam sa publiko ang kanilang paghihiwalay, napawalang-bisa na ang kasal nina Michelle Madrigal at Troy Woolfolk.

Inaprubahan na ang divorce ng dating mag-asawa base na rin sa latest post ng sexy actress sa kanyang official social media account.

Nag-share si Michelle ng mga wedding photos nila ni Troy sa kanyang IG followers kalakip ang emosyonal na mensahe para sa sarili ngayong nakamit na muli niya ang “freedom” na pinakaasam-asam.

“An ending to this chapter,” simulang caption ni Michelle sa ibinahagi niyang Instagram photos.

Pagpapatuloy pa niya, “Yesterday was supposedly a day to celebrate our union few years back.

“Fast forward to 2022, it’s a completely different story because this marriage is at the end of its divorce (took some time but have been legally separated). An ending to something that once gave her happiness and joy,” aniya pa.

 

 

Dagdag pang pahayag ni Michelle, totoong hindi madali ang dumaan sa proseso ng divorce na isa ring legal battle, pero ngayon daw ay,  “she is now allowing herself to honor her truth and core beliefs and forgiving herself for setting boundaries.”

“Yes, marriage is a lot of hard work, but both parties should be willing to evolve and change individually (do the inner work).

“This woman is a complete different person a year ago. She’s constantly evolving and relearning about herself,” paglalahad ng dating Kapuso star.

Pagpapatuloy pa niya, “Today, she honors all of that. Letting go of all the negative emotions that transpired during this union and embracing the positive ones left in her heart. We are blessed to have a loving daughter that we get to share during this big transition.”

At sa pagsisimula nga ng bagong chapter sa kanyang buhay, ito raw ang una niyang gagawin, “Letting go to free myself.”
Noong November, 2021 sa isang vlog ng aktres sa YouTube, nabanggit niya na isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ni Troy ay dahil hindi sila compatible.

Inamin din niya na hindi pa siya handang pumasok sa bagong relasyon at mas gusto muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili at ang anak nila ng ex-husband na si Anika.

Ikinasal sina Michelle at Troy noong April, 2019 makalipas ang ilang buwang relasyon na nagsimula sa dating app na Tinder.

 

Related Chika:
Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Michelle Madrigal payag pa ring magpakasal kahit nawasak ang unang kasal: Love is love!

Michelle Madrigal pa-date-date lang muna, ayaw pang magkaroon ng bagong dyowa

Read more...