Donny, Belle nag-house-to-house sa Baguio, fans super happy: We stan the right love team!

Donny, Belle nag-house-to-house sa Baguio, fans super happy: We stan the right love team!
SINAMAHAN ni Kapamilya teen actress Belle Mariano ang kanyang ka-love team na si Donny Pangilinan nang mag-house-to-house ito sa Baguio para ikampanya ang tambalang Leni-Kiko na tumatakbo sa sa pagkapresidente at bise presidente sa darating na 2022 elections.

Ibinahagi ng young actress sa kanyang Instagram stories ang collage pictures nila habang nagbabahay-bahay noong April 13.

“Baguio [house-to-house],” saad ni Belle.

May mga kasama ring volunteers ang dalawa habang nagbabahay-bahay.

Makikitang namimigay sina Donny at Belle ng mga flyers at pink wristbands sa mga madadaanang residente.

Marami namang mga fans ang mas humanga sa DonBelle dahil sa kanilang pagtindig at pagtaya sa mas magandang kinabukasan para sa bansa.

 

 

Sey ng isang netizen, “Donny and Belle doing house to house campaign has been the BEST and MEANINGFUL ayuda to date for me. Thank you for using your platform to educate others about the importance of good governance. May you influence other artists to do the same.”

“DonBelle came from a prominent yet humble family. So despite their ‘phenomenal’ status of today’s new generations of stars they didn’t let the limelight overshadow their core. I’m proud to say I stan the right loveteam, real role models because of their values and PANININDIGAN!” saad naman ng isang netizen.

 

 

Hirit pa ng isang fan, “Worth to stan. Thank you #DonBelle for #LeniKikoAllThe Way.”

Nauna nang magpakita ng suporta si Donny sa pagtakbo nina VP Leni at sa tiyuhin nitong si Sen. Kiko nang dumalo ito sa Pasig campaign sortie ng tRoPang Angat at ngayon nga ay pormal na ring ipinahayag ni Belle ang kanyang suporta sa Leni-Kiko tandem.

Bukod pa rito, labis ang kilig ng netizens sa DonBelle matapos itong magbigay “ayuda” sa naganap nilang golf date.

Samantala, patuloy ang pagbibigay good vibes at kilig nina Donny at Belle sa madlang pipol dahil ilalabas na ang season 2 ng kanilang romantic series na “He’s Into Her” ngayong April 22.

Related Chika:
Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Donny inisa-isa ang mga nagustuhan sa ka-loveteam: Belle and I are in a happy place right now

Donny kay Belle: Wala rin akong nakikitang ibang gusto o makasama kundi siya

Read more...