Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey engaged na raw, nabuking sa suot na bonggang diamond ring? | Bandera

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey engaged na raw, nabuking sa suot na bonggang diamond ring?

Ervin Santiago |April 14,2022
facebook
share this

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey engaged na raw, nabuking sa suot na bonggang diamond ring?

Ervin Santiago - April 14, 2022 - 07:10 AM

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

TRUE nga ba ang chika, engaged na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang British boyfriend na si Jeremy Jauncey?

Usap-usapan ngayon sa social media ang status ng relationship ng magdyowa matapos mapansin ng mga netizens ang nagmumurang  diamond ring na suot ng Pinay beauty queen.

Unang nakita sa vlog ng nanay ni Pia na si Cheryl Alonzo Tyndall ang pinaniniwalaang engagement ring ng dalaga na nakasuot sa kanyang left ring finger.

Sa England na naninirahan si Mrs. Cheryl at kamakailan lamang ay nakipagkita siya sa anak (kasama ang asawang si Nigel Tyndall) at kay Jeremy para sa isang breakfast bondingvsa Marriott Hotel sa London kung saan naka-check-in ang celebrity couple.

Sa isang bahagi ng vlog ng Mrs. Cheryl, makikitang kumukuha ng pagkain sa buffet area si Pia at doon nga nakita ang suot nitong singsing na may malaking diamond.

Ngunit habang kumakain na sila ay hindi na suot ni Pia ang singsing kaya ang paniniwala ng netizens itinago ito ng beauty queen. Kapansin-pansin na palaging kinakapa ni Pia ang isang bahagi ng kanyang dibdib.

Ang hula ng mga nakapanood ng vlog, baka raw pansamantalang isinabit ni Pia ang singsing sa suot na necklace. Ilang beses na kinapa ng dalaga ang itaas na bahagi ng dibdib.

Samantala, isang TikTok video rin ang kumalat sa social media kung saan kitang-kita ang suot na diamond ni Pia at base sa mga nabasa naming comments ng netizens, naniniwala silang engaged na nga ang TV host-actress sa hunky entrepreneur.

Sa isang date night naman nila sa  tinuluyang hotel sa Switzerland, marami rin ang nakapansin na tila  itinatago ni Pia ang kaliwang kamay at iniiwasang ipakita kung meron siyang suot na singsing.

Matatandaang nitong nagdaang April 7, nag-post si Pia sa Instagram ng kissing photo nila ni Jeremy habang nasa tabi ng puno. Aniya sa caption, “He said yes…to pizza tonight. #AkoAngNagwagi.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


Narito ang ilan sa mga comments ng netizens tungkol sa diamond ring na suot ni Pia at sa balitang nag-propose na sa kanya si Jeremy na siyang founder ng creative at content agency na Beautiful Destinations.

“Alam na! Feel ko, nag-propose na nu’ng mag-post sa story si Pia ng ‘Happiest Day Ever’, tapos nag-post na naman si Jeremy ng ‘celebration something.’ Anyway, if it is, I’m sooo happy for our Queen.”

“I’m guessing you guys are engaged. yeee congratulations!”

“Queen P is hiding her left hand/fingers!!!! (Engagement ring emoji) na ba???

“’Di naman siguro ikapagtataka ng tao na ma-engaged na sila. Let them live their life! ‘Wag na lang pansinin kasi sila rin ang mag-a-announce niyan.”

“I know what you mean Queen P. Congratssssss lovebirds!”

“Parang may itinatago ka, Queen P. (engagement ring emoji).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baka may existing contract pa. ‘Di pa puwedeng ma-engaged.”

Pia nalusutan ang ‘family feud’ dahil kay Jeremy: Buti na lang nandoon siya at kinaya ko naman

3 tips ni Pia para sa mga LDR couple: Laging mag-usap, honest sa isa’t isa at meron kayong mga plano

Pia binalikan ang ‘first date’ nila ni Jeremy; sumama agad magkape, binigay agad ang number

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending