Pokwang ‘mas funny’ at ‘intelligent’ kay Ai Ai delas Alas, sey ni Audie Gemora

 Pokwang 'mas funny' at 'intelligent' kay Ai Ai delas Alas, sey ni Audie Gemora
HINDI mapigilan ng madlang pipol ang pagkumparahin ang mga Kapuso stars na sina Pokwang at Ai Ai delas Alas matapos silang magpahayag ng kanilang pagsuporta sa mga kandidato ngayong darating na 2022 elections.

Bagamat nasa iisang istasyon at parehas silang kinikilala bilang magagaling na mga komedyante ng bansa, magkaiba naman sila ng mga kandidatong pinapanigan.

Nagpahayag na kasi ng pagsuporta si Ai Ai sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio samantalang aware naman ang lahat na ang tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan naman ang sinusuportahan ni Pokwang.

Maski ang actor-singer na si Audie Gemora ay hindi maiwasan ang pagkukumparahin ang dalawa.

Isang artcard ni Pokwang mula sa isang entertainment site ang ni-retweet ng aktor sa kanyang Twitter account.

Ang nasabing artcard ay ang tweet ng actress-comedienne patungkol sa mga nagtatangkang mag-unfollow sa kanya.

“Good morning… Gusto ko lang malaman nyong mga nagbabanta mag unfollow sakin hahaha. Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! Takot among mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para saking mga anak at magiging apo,” saad ni Pokwang sa artcard.


Sabi naman ni Audie sa kanyang retweet, “I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai2.”

Tulad ni Mamang Pokie, isa ring kakampink si Audie Gemora.

Pero bago pa man ang opisyal na pag-aanunsyo ni Ai Ai sa kanyang pagsuporta sa UniTeam, may mga kumalat na chikang isa raw siyang kakampink na agad niyang pinabulaanan.

“Utang na loob NANANAHIMIK AKO. Wag n’yo akong masali sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko,” saad ni Ai-Ai.

“Lahat na lang.. Huy!!!! Tanging ina ko pa picture yan. Tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka-cheapan.. pls hindi po ako VP Leni supporter,” dagdag pa niya.

Related Chika:
Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako

Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!

Pokwang sa bashers: Ilatag n’yo na lang ang plataporma ng iyong kandidato kesa manlait

Read more...