NAGPAHAYAG ng suporta ang TV host-actress na si Anne Curtis para sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi siya ng larawan ng pink rose na personal raw na itinanim ng kanyang ina.
“A mother’s love. ‘Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden & how apt it is for this time… dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito… mamahalin tayo…” saad ni Anne.
“Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas,” dagdag pa niya kasama ang mga hashtags na “#LetLeniLead” at “LuvAnneLeni”.
Inulan naman ng mga komento mula sa netizens at kapwa kasamahan sa industriya ang post ni Anne.
“Thank you Anita!” comment ni Angel Locsin.
Saad ni Jolina, “Mabuhay ang mga nanay na may PANININDIGAN!!!”
“Thank you nak @annecurtissmith salamat sa pagdagdag ng pag asa at kulay rosas ang bukas ni @dahliaamelieee at lahat ng kabataan,” sey naman ni Pokwang.
Unti-unti nang tumitindig at nagpapahayag ng suporta ang mga malalaking celebrities kung sino ang nais nilang mamuno sa Pilipinas sa susunod na anim na taon.
Matatandaang kahapon, April 11, nang magpakita ng suporta si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na buong puso nilang sinusuportahan si VP Leni Robredo maging ang ka-tandem nitong si Sen. Kiko Pangilinan.
At ngayong Martes, April 12, sumunod na ang isa sa mga A-listers ng Kapamilya network na si Anne Curtis sa pagpapahayag ng kandidatong sinusuportahan.
Ilan pa sa mga artistang tumitindig para sa tambalang Leni-Kiko ay sina Angel Locsin, Iza Calzado, Gary Valenciano, Donny Pangilinan, Cherry Pie Picache, at Edu Manzano.
Related Chika:
Piolo, Regine ibinandera na ang tunay na ‘kulay’: Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan, Filipino para sa kapwa Filipino
Comeback concert ni Anne Curtis sa June, live nang mapapanood
Anne Curtis, Erwan Heussaff isinabay na ang binyag ni Dahlia sa kanyang 2nd birthday