USAP-USAPAN ngayon ang VinCentiments Facebook page matapos kumalat online ang isang screenshot kung saan makikitang nag-violate ito sa community standards ng naturang social media site.
“This page has shared posts that violate our community standards. Review posts on this page before liking it,” saad ng Facebook sa naturang screenshot.
Lumalabas ang mensaheng ito bilang babala sa mga netizens bago muna nila i-like ang VinCentiments FB page.
Labis naman ang tuwa ng mga netizens dahil kahit papaano raw ay nababawasan na ang mga Facebook pages na nagpapakalap ng maling impormasyon o fake news.
Hindi lang ang VinCentiments ang nakatanggap ng ganitong warning mula sa FB kundi pati na rin ang page ng SMNI News.
Ang SMNI News naman na pagmamay-ari ni Apollo C. Quiboloy, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay madalas na naglalahad at naglalabas ng mga balita na diumano’y palaging pabor sa kasalukuyang administrasyon.
Dito rin umere ang kaisa-isang presidential debate na dinaluhan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Samantalang ang VinCentiments na pagmamay-ari naman ni Darryl Yap ay naglalaman ng mga short films na masyadong bulgar at nito ngang mga nakaraang linggo ay may mga content rin ito na tila pahaging sa isa pang presidential candidate Vice President Leni Robredo.
Noon pa man ay mainit na talaga sa mata ng ilang netizens ang naturang page ng direktor dahil sa klase ng content na ipinapalabas nito na madalas nga ay bulgar at hindi kaaya-aya para sa kabataan.
Bagamat walang nakalagay sa kung ano ang dahilan ng violation ng VinCentiments page ay marami ang mga nagsabi na may kinalaman ito sa pagpapakalat ng fake news sa Facebook.
Hindi naman napigilan ni Darryl Yap ang pumalag sa kumakalat na balita at nilinaw na hindi “fake news” ang dahilan ng kanilang violation.
“Sorry to burst your losing pink bubbles Rappler and Kakampinks, VinCentiments may have violated FB standards but it is not about FAKE NEWS,” saad ng direktor.
Aniya, ito ay dahil sa mga pelikula at mga content niya sa Vivamax na nagpapakita ng nudity or sexual activity.
Bilang “resibo”, ipinost rin ng direktor ang screenshot mula sa Facebook kung saan makikita ang rason ng kanilang violation.
Giit pa ni Darryl, “I have been uploading Movie/Contents for Vivamax that contains very steamy language and visuals.”
Related Chika:
Facebook page ni dating QC Mayor Herbert Bautista na-hack
Joshua Garcia may babala sa netizens: I don’t have Facebook page!
Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!