Carlo umaming tapos na ang relasyon nila ni Trina; grabe rin ang sakripisyo para kay Baby Mithi
DIRETSAHAN nang inamin ng Kapamilya actor at singer na si Carlo Aquino na naghiwalay na nga sila ni Trina Candaza.
“Nag-separate na kami this year lang actually,” ang maikling pagkumpirma ni Carlo sa panayam ng ABS-CBN sa presscon ng bago niyang digital series na “How to Move On in 30 Days” kung saan katambal niya si Maris Racal.
Hindi na nagdetalye pa si Carlo tungkol sa kanilang break-up pero mukhang maayos naman ang naging usapan nila tungkol sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang anak na si Baby Mithi.
Sa panayam namin kay Carlo, kasama ang iba pang miyembro ng entertainment media sa face-to-face presscon ng “How to Move On in 30 Days”, civil naman daw sila sa isa’t isa ni Trina mula nang maghiwalay sila.
“Nag-uusap kami and every once in a while nahihiram ko si Mithi. Pero siyempre dahil nga pandemic pa rin, yung safety muna niya. Kapag may trabaho ako or katulad nito na lumalabas ako, maghihintay ako ng ilang days,” paliwanag ng aktor.
Kinumusta rin namin ang pagiging tatay ni Carlo, “Masarap na makita ’yung semilya mo. Ha-hahaha! Sorry, sorry!” ang tawa nang tawang sabi ng aktor.
View this post on Instagram
“Hindi, ang sarap kasi meron pa palang ibang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na ’yung pinagtatrabahuan mo hindi na lang para sa ’yo, para sa anak mo na,” seryosong pahayag ng aktor.
Patuloy niyang kuwento tungkol sa anak, “Ang sarap talagang amuyin minsan natutulog sa akin tapos kahit awkward ’yung posisyon mo hindi ka gagalaw kahit two o tatlong oras na nakahiga ngawit na ngawit ka na hindi mo na maramdaman ’yung kamay mo basta hindi lang magising ’yung anak mo.
“Pag-uuwi ako from lock in (taping), maglalaro lang kami sa playroom, doon sa doll house na ibinigay ng sister ko para sa kanya, tapos minsan nag-a-out of town, punta lang sa farm. Sa Tanay lang, masarap, malamig,” masayang kuwento pa ni Carlo.
Samantala, napanood na namin ang ilang episodes ng “How to Move On in 30 Days” at in fairness, talagang na-enjoy namin ang kuwento nito dahil bukod sa nag-uumapaw na chemistry nina Carlo at Maris ay tawang-tawa rin kami sa mga paandar na eksena at punchlines ng ka-love triangle nilang si Albie Casino.
Gumaganap na barista at surf instructor si Carlo sa serye bilang si Franco na rumaraket bilang boyfriend-for-hire. Makikilala niya si Jen (Maris) na isang heartbroken at workaholic na empleyado sa isang talent management.
“Yung mga first talaga exciting, but somehow talaga hindi mawawala ang pressure dahil maraming expectations. Pero more than the pressure, mas excited ako na mapanood siyempre ng mga tao,” sey ni Carlo nang matanong kung ano ang pakiramdam sa una niyang romcom digital series.
Nagsimula na ang “How To Move On In 30 Days” and exclusively streaming on YouTube. This is directed by Benedict Mique and Dick Lindayag.
https://bandera.inquirer.net/309459/carlo-aquino-muling-naka-bonding-ang-anak-pagmamahal-na-habang-buhay
https://bandera.inquirer.net/305047/carlo-trina-maayos-ang-usapan-sa-pagpapalaki-pag-aalaga-kay-baby-mithi-kahit-hiwalay-na-raw
https://bandera.inquirer.net/305947/trina-candaza-may-pasaring-sa-mga-lalaking-nag-iisip-ng-ibang-babae
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.