Claudine laging kinakasuhan ng mga kasambahay | Bandera

Claudine laging kinakasuhan ng mga kasambahay

Cristy Fermin - September 20, 2013 - 03:00 AM

Claudine Barretto at Atty. Ferdinand Topacio INQUIRER

Sa pagkakatanda namin ay hindi lang ngayon nangyari ang pagbibintang-pagpapakulong ni Claudine Barretto sa kanyang mga kasambahay. Hindi una itong reklamong ihinain laban sa kanya ng isang nagngangalang Dessa Patilan, bago ito ay meron na ring nakalaban sa korte ang aktres, dati niya namang sekretarya ang nagdemanda sa kanya.

Hindi lang namin nasubaybayan ang kaso kung sino ang nanalo at naparusahan, pero natatandaan namin ang kuwentong ‘yun, kaya nga kapag nagpapatambis sa kanya si Gretchen ay palagi nitong isinusumbat kay Claudine ang mga kuwento nila ng kanyang mga kasambahay.

Hindi si Claudine ang ikukuwento namin, ibang aktres ang sangkot sa kuwento, isang personalidad na nalulong sa droga at sugal.
Sa proseso ng pagbibisyo ng female personality ay natural lang na gastos siya nang gastos, hindi siya nagtatrabaho dahil nalulong na nga siya.

Kung ano-anong paraan ang ginagawa niya para lang mapagbigyan ang kanyang mga bisyo, nagbenta siya ng mga alahas niya, pati ang mga mamahalin niyang branded bags ay naisangla-naibenta rin niya.

Heto na. Nu’ng napapraning na ang female personality at talagang tagibang na tagibang na ang kanyang kabuhayan dahil sa kagagastos niya, pinagbintangan ng aktres ang kanyang mga kasambahay na nagnakaw ng mga naipundar niyang alahas at mamahaling bags at sapatos, ipinapulis niya ang mga ito.

Nabaligtad ang kuwento. Meron palang pinanghahawakang ebidensiya ang mga kasambahay ng aktres, kilalang-kilala nila ang mga taong pinagsasanlaan ng mga kagamitan ng kanilang amo, napawalang-sala ang mga ito dahil nanindigan din ang mga taong itinuro nila na sa kanila nga lumalapit ang aktres kapag nangangailangan ito nang malaking halaga.

Wala lang. Naalala lang namin ang kuwentong ‘yun. Parang magkapareho kasi ang script, parang ganu’n din ang nangyari nu’n sa isang aktres na nakapagpundar nga nu’ng mga panahong malakas siyang kumita.

Pero nabalewala rin ang lahat ng kanyang pagsisikap nang malulong siya sa kung ano-anong bisyo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending