Juday gusto uling pabuntis kay Ryan; Hinahanda na ang 2 anak sa showbiz
HANDA na si Judy Ann Santos na mabuntis uli. Kung bibiyayaan pa raw sila ng Diyos ng isa pang baby ay welcome na welcome raw ito dahil pareho naman daw sila ni Ryan Agoncillo na mahilig sa bata.
Ayon kay Juday, tatlong taon na rin naman daw si Lucho kaya pwede nang sundan. Miss na miss na kasi niya ang may sanggol sa kanilang bahay. Kaya nga looking forward siya sa pagsisimula ng bago niyang iho-host na reality show sa ABS-CBN na Bet On Your Baby na puro bata ang bibida.
Ani Juday sa isang interview, “Kahit wala sa paligid ng mga babies nami-miss ko ang mga babies eh.”
“Actually, napag-uusapan namin ni Ryan ‘yan (magka-baby uli) pero it will happen if it will happen. Ayaw din kasi naming planuhin kasi kapag pinaplano mas lalong parang hindi binibigay,” chika ng Pinoy Soap Opera Queen.
Hirit pa ng misis ni Ryan, “Although we can’t help but talk about kung, ‘Ano kaya ang magiging itsura nu’ng pangatlo kung saka-sakali?’ Parang parati atang may ganu’n sa mga magulang.”
Tungkol naman sa dalawa nilang anak na sina Lucho at Yohan, ngayon pa lang daw ay nagpapakita na ng interes ang mga bagets sa showbiz, “Ay yes. Silang dalawang magkapatid. Mahilig talaga silang pumose. Mahilig si Yihan na bini-video yung sarili niya. Gumagawa siya ng sarili niyang music video kaya yes kinakabahan nako ngayon pa lang. Ha-hahaha!”
Kuwento pa ni Juday, “Pinag-usapan nga namin ni Ryan, eh kasi parang inevitable naman ‘di ba. Hindi mo naman talaga maiiwasan na darating ang panahon na may mag-aalok at mag-aalok at tsaka nakikita nila eh na ito yung ginagawa namin.”
“Like si Yohan ngayon is doing voice lessons and piano. So at least pumasok man sila rito meron silang bala na talent. Kasi ako ang bala ko lang luha eh, period. Luha at tapang, yan na lang ang bala ko dito sa industriyang ito,” paliwanag pa ng very proud mommy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.