Jake Ejercito may sorpresang ‘pink’ birthday celebration

Jake Ejercito may sorpresang 'pink' birthday celebration

NAG-CELEBRATE ng ika-32nd birthday ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito nitong March 27.

Aware naman ang mga netizens sa kung sino ang kandidatong sinusuportahan ng aktor ngayong darating na eleksyon at ito nga ang naging tema ng kanyang surprise birthday party.

Ang nakatatandang kapatid ni Jake na si Jerika ang pasimuno ng kanyang “pink” birthday party bilang certified kakampink ang aktor.

Ibinahagi ni Jerika ang ilang mga photos at videos ng mini “pink” surprise nila kay Jake.

“Happy Birthday to my dearest baby bro. I am so proud of how you continue to grow into your own person. You have always been true to yourself no matter what and I admire you for it,” bati ni Jerika sa kapatid.

Pahabol pa niya, “You will always have my utmost respect and love in EVERYTHING that you do.

“So for today (only), at para sayo gawin nating kulay rosas ang araw na to.”

 

 

Damang-dama naman ni Jake ang pagmamahal ng kanyang pamilya dahil aware naman ang mga tao na may iba’t ibang kandidatong sinusuportahan ang kanyang mga kamag-anakan.

Sa video ay makikitang pinatugtog nila ang kantang “Kay Leni Tayo” habang papasok sa kanilang tinutuluyan ang aktor.

Napuno rin ng pink balloons at Leni Robredo cups mula sa isang convenience store ang mesa bilang parte ng kanyang “pink” party.

Bukod sa pa-sorpresa ng kapatid ay happy naman si Jake na i-celebrate ang kanyang kaarawan kasama ang cute na cute na anak na si Ellie sa Boracay.

“Boracay sunset still different,” saad ni Jake sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan nilang mag-ama habang ini-enjoy ang pagtatampisaw sa karagatan.

Related Chika:
Jake Ejercito lantaran ang suporta kay VP Leni Robredo

Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika

Jake lalaban para kay VP Leni; Jinggoy game pa rin sa showbiz at public service

Read more...