Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN

Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN

DINUMOG ng mga bashers ang young singer na si Elha Nympha matapos siyang magpahayag ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo.

Unang umingay ang pangalan ng young singer matapos ang kanyang cryptic post na “Mag-chandelier tayo sa April 30?”

Marami agad ang naghinala na ang tinutukoy na petsa ni Elha ay ang petsa para sa Leni-Kiko people’s rally na gaganapin sa Makati.

Makalipas ang ilang oras ay muling nag-tweet ang mang-aawit ng screenshot ng convo niya sa team ni VP Leni.

“I’m gonna swing from ‘Everybody sing’ #MAKATIndig,” tweet ng dalaga.

Nilinaw rin ni Elha na hindi siya bayad at hindi siya babayaran dahil siya mismo ang nag-volunteer para magpakita ng suporta sa kanya napupusuang kandidato.

Dito na nagsimulang dumugin ng mga bashers si Elha.

“No need ka naman bayaran.. Ahahaha sino ba mag e interest sayo? Hirap ka ngang bigyan ng slot ng abs. Ahahah real talk lang ha,” pangungutya ng isang netizen.

Ibinahagi niya rin ang screenshot ng comment section ng isang vodeo sa kanyang Tiktok account kung saan inulan sila ng mga trolls.

 

 

Sa naturang screenshot ay may nagtanong kay Elha kung pupunta siya sa grand rally na sinagot niya ng “see u” at dito na sila dinagsa ng mga anti-Leni.

“Nananahimik kami ng mga kakampiks sa tiktok may nang troll samin hays,” lahad ng dalaga.

May ilan naman na nagsasabing kaya raw biglang nag-volunteer si Elha dahil umaasa siya na maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan siya nanalo sa “The Voice Kids” noong 2015.

“Di ko kasalanang loyal ako sa ABSCBN. Parang magulang din yan tinatanawan ng utang na loob kung hindi dahil sa kanila wala ako dito. Lumalaban ako para kay Leni at sa PLATAPORMA NIYA. Di lang dahil sa prangkisa,” paglilinaw niya.

May nagsabi rin sa kanya na dapat raw ay bansa ang ipaglaban niya at hindi ang naunsyaming prangkisa ng Kapamilya network.

Matapang na sagot ni Elha, “Sabi nung isang nag comment lumaban ka para sa bansa hindi para sa prangkisa, bat di niyo po sabihin sa iba na lumaban para sa bansa hindi para SA PERA?”

Dagdag pa niya, “Hindi ko iririsk ang future ng kapwa ko pilipino para lang sa pera dahil pang sariling kasiyahan ko lang yan at ako lang mag bebenefit diyan. Baka lang sabihin nilang BAYARAN AKO.”

Giit niya, kung babayaran man siya sa kanyang pagpapakita ng suporta, ang kabayarang matatanggap niya ay ” 6 YEARS OF GOOD GOVERNANCE”.

Dahil rin sa mga trolls ay ipinost niya ang screenshot kung saan makikita siya mismo ang nag-message sa Robredo People’s Council Makati para mag-volunteer na mag-perform bilang “resibo” na hindi siya bayad.

Bagamat wala pang exact date kung kailan magaganap ang people’s rally ay kasama na si Elha sa mga volunteer artists na magpe-perform.

Related Chika:

Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’

Elha Nympha pumayat dahil sa super diet; may boyfriend na rin

Elha sa paghihiwalay nila ng dyowa: Wag po tayong pa-victim, still using me pa rin?

 

 

Read more...