Nanay ng sexy star na si Jela Cuenca binubugbog noon ng asawa: Sana huwag akong magaya sa kanya…
SAKTUNG-SAKTO ang mga naging pahayag ni Viva Artists Agency talent Jela Cuenca sa kinasasangkutang kontrobersya ngayon ng kapwa niya sexy star na si Ana Jalandoni.
Kuwento ni Jela, nakagawa na siya ng pelikulang may temang domestic abuse, ang Vivamax original na “Silip Sa Apoy” na pinagbibidahan nina Angeli Khang, Sid Lucero at Paolo Gumabao.
Hot topic pa rin ngayon sa social media ang umano’y pambubugbog ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni. Nasampahan na ng mga kaukulang kaso ang aktor at desidido ang aktres na maparusahan ito sa umano’y pananakit sa kanya.
View this post on Instagram
Sa tunay na buhay daw ay hindi pa naman nararanasan ni Jela ang mabugbog o masaktan physically ng lalaki ngunit naging saksi siya noon sa ginawang pananakit ng tatay niya sa kanyang nanay.
“Never pa naman ako naka-experience ng ganu’ng situation. So far I’m so lucky na hindi ko na-try yun and ayoko siya ma-try. Sa mama ko siguro siya yung naka-try nu’n and super sakit para sa akin yun so sana huwag ako magaya sa kanya.
“Bale yung papa ko kasi napaka-violent and nambubugbog talaga siya and super happy ako nu’ng naghiwalay sila para mawala na yung sakit na nararamdaman ng mom ko.
“Parang nadala ko na siya so parang nasanay na ako. Nu’ng naghiwalay sila, naging masaya kami and may time na gusto nilang magkabalikan pero ayaw ko na,” rebelasyon ni Jela.
Narito naman ang paalala ng sexy star sa mga kababaihan na biktima physical abuse, “Ang maipapayo ko sa mga girls na binubugbog ng kanilang partner is kapag ginaganu’n na sila, kapag sinasaktan na sila, it’s not healthy for them.
“And kailangan siguro sana maisip nila na mahalaga yung sarili nila and pag ganu’n, it’s better to leave na lang. Kasi pag ganu’n red flag na agad yun,” aniya pa.
Sa nakaraang panayam kay Jela sa mediacon ng “Silip Sa Apoy”, umaasa siya na matututo na ng “self-love” ang mga babaeng ilang beses nang nabibigo sa pag-ibig at sa mga nabibiktima ng domestic violence.
“Siguro ang mapupulot nila dapat alamin muna nila yung papasukan nila kasi hindi basta basta pag nandun ka na mismo sa sitwasyon na yun, dapat alamin nila yung value ng sarili nila para at least pag nandun na sila, okay yung kahihinatnan ng buhay nila,” payo pa ni Jela.
https://bandera.inquirer.net/307290/bombshell-ng-viva-na-si-jela-cuenca-hindi-pumapatol-sa-mga-bastos-sa-socmed-type-si-maui-taylor
https://bandera.inquirer.net/292321/aj-muntik-nang-mag-quit-agad-sa-showbiz-dahil-sa-bashers-2-pang-viva-artist-inatake-ng-anxiety
https://bandera.inquirer.net/308787/ana-jalandoni-naididilat-na-ang-mata-matapos-mabugbog-binura-na-ang-mga-litrato-ni-kit-sa-ig
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.