Melai patuloy na hinaharas ng mga anti-Leni, pati 2 anak idinamay: 'Ipa-blotter mo na yan!' | Bandera

Melai patuloy na hinaharas ng mga anti-Leni, pati 2 anak idinamay: ‘Ipa-blotter mo na yan!’

Ervin Santiago - March 27, 2022 - 10:22 AM

Melai Cantiveros kakasuhan ang basher

Melai Cantiveros

PINAGMUMURA, pinagbantaan at kung anu-ano pang malilisyosong salita ang pinagpo-post ng isang netizen laban kay Melai Cantiveros at sa kanyang pamilya.

Pinahahating na ng Kapamilya TV host at aktres ang nasabing basher na buong tapang siyang na tinawag na “magnanakaw”.

Ang mas lalo pang ikinagalit ni Melai ay nang idamay pa ng hater ang dalawa nilang anak ni Jason Francisco na sina Mela at Stela.

Kahapon, March 26, ipinost ni Melai sa Instagram ang litrato ng nasabing netizen kalakip ang screenshot kung saan mababasa ang masasakit at below the belt nitong akusasyon mula sa vlog nilang pamilya.

Sabi ng basher, “SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW… SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA.

“BOYCOTT PRODUCTS ENDORSE NI MELAI. ISA ITONG MAGNANAKAW. ISA ITONG P*TA NG LIPUNAN.

“ANO PANGIT??? NAGMAMALINIS KANG HAYOP KA… NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki ka sa pagnanakaw ng ina mo.

“ANO? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE… MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS KAHIT KASAMA MO MGA ANAK MO P*T**G Ina KANG PANGIT KA,” ang kadema-demanda pang comment ng netizen na mukhang isang loyalista ni presidential candidate Bongbong Marcos.

Bukod dito may isa pang ipinost ang hater na halos isumpa na ang mga anak ng komedyana at humirit pa ng, HAHAHA SUMPAIN PAMILYA MO PANGIT.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Sa caption ng kanyang IG post, nakiusap si Melai sa kanyang supporters at social media followers na tulungan siyang  mahanap ang netizen. Humingi na rin siya ng tulong sa mga abogado.

“Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun.

“Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pang haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN.

“Nananawagan din ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni,” sabi pa ng TV host.

Malamang sa malamang, galit na galit ang nasabing basher dahil sa pagsuporta ni Melai sa kalaban ni Bongbong sa pagtakbong pangulo na si Vice President Leni Robredo.

Samantala, marami namang netizens ang nangakong tutulungan siya sa paghahanap sa nasabing netizen kasabay ng paalala na kailangang mag-ingat na rin si Melai ngayon dahil hindi na biro ang panghaharas sa kanya nang dahil sa politika.

Sabi ng nga isang netizen, “Melai need mo na sigurong doblehin ang pag-iingat dahil mas tumitindi pa ngayon ang bangayan sa politika. Kailangang unahin mo rin ang security ng iyong pamilya lalo pa’t may mga anak ka.”

Ito naman ang advice ng isa niyang fan, “Melai siguro magpa–blotter ka na rin dahil sa natatanggap mong panghaharas. And hire a legal counsel immediately para makasuhan agad yang basher na yan. Libelous na ang pinagsasasabi niya.”

https://bandera.inquirer.net/299706/melai-lucky-charm-nina-toni-at-alex-sobrang-swerte-ko-na-naging-friends-ko-sila

https://bandera.inquirer.net/286357/melai-umamin-plano-ko-talaga-noon-mag-abroad-at-mag-asawa-ng-amerikanong-matanda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307456/melai-tinawag-na-bobo-dahil-kay-leni-robredo-nakipagtalakan-sa-tagasuporta-ni-bongbong-marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending