Anak ni Tarlac Mayor Cristy Angeles nag-react sa pahayag ni Kris Aquino: Anong utang na loob ng family namin?

Anak ni Tarlac Mayor Cristy Angeles nag-react sa pahayag ni Kris Aquino: Anong utang na loob ng family namin?

NAGSALITA ang anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na si Anvi Angeles patungkol sa naging pahayag ni Kris Aquino sa naganap na Leni-Kiko sortie noong March 23.

Kahapon, March 24, naglabas ng pahayag ang dalaga kalakip ang video mula sa Twitter kung saan makikitang nagsasalita ang Queen of All Media.

“(Para sa akin, ang umapak dito sa Tarlac is worth all the risk dahil kailangan ko pong magpasalamat.) Hindi n’yo kami pinabayaan. Well at least kayo, except for your ‘you-know-who’.

“Sorry, sinabihan ako na huwag makipag-away pero nabubwisit po talaga ako. I’m sorry na hindi ako ‘yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo dahil nakakabwisit talaga ‘yung walang utang na loob pero deadma na. Deadma na doon. Let’s focus sa importante,” saad ni Kris sa naturang video.

Bagamat walang binanggit na pangalan si Tetay kung sino man ang tinutukoy nito, tila natamaan naman ang dalaga at tinawag nito ang pansin ng bunsong anak nina Ninoy at Cory Aquino.

“Ms. Kris Aquino, we would like to know kung ano po ang “utang na loob” ng family namin na binabanggit niyo?” umpisa ni Anvi.

Aniya, simula pa raw noon ay mataas na ang respeto ng kanilang pamilya sa pamilya Aquino pero sa kanilang pagkakaalam ay wala naman daw silang hininging tulong o pabor mula sa mga ito.

“Ilang beses po humingi ng tulong si Ma’am Cory sa family namin since PNoy ran for Congress and Senate. And when he ran for [presidency], my mom was tasked to be the provincial convenor under the People Power Volunteers for Reform here in the province of Tarlac,” pagpapatuloy niya.

Muli niyang idiniin na wala silang hininging tulong o pabor mula sa pamilya nina Kris.

“Wala po kaming hininging kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina.

 

 

“I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po,” paglalahad ni Anvi.

Kaya nga raw hindi niya palalampasin na ang mga akusasyon na ibinabato umano ni Kris laban sa kanilang pamilya para lamang sa kandidatong sinusuportahan nito.

“But for you to maliciously accuse my mom in public of ‘walang utang na loob’, I cannot let your lies & intrigues malign my mom just for the political mileage of your candidate.”

Binanggit rin nito ang mga kamag-anak ni Kris na sina Danding Cojuangco at Henry Cojuangco.

“We owe it to Boss Danding and Cong. Henry Cojuangco when they encouraged my mom to run for Board Member and then city mayor under the NPC. Apparently, hindi po n’yo alam ang nangyayari dito sa Tarlac City.”

Dagdag pa niya, “For me, this is not the style of a Grand Rally Campaign for a presidential candidate that a national figure like you to be personally attacking a small city mayor like my mom.

“Kahit ganito lang po kami kaliit na tao, marami pa rin naman po ang naniniwala, nagtitiwala, at rumerespeto sa aking ina lalo na po sakanyang karakter at kakayahan.

“Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo. We hope and pray that whatever hatred, anger, and jealousy inside your heart and mind will be replaced with kindness, love, and patience. Praying for God’s enlightenment.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Kris Aquino hinggil sa sinabi ng anak ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles.

Bukas naman ang Bandera sakaling naisin magsalita ni Tetay hinggil sa patutsada laban sa kanya ni Anvi.

Related Chika:
Kris keber sa mga sakit, ibinuking na may sulat si P-Noy kay VP Leni: Sa ‘yo ko nakikita ang sincerity
#Ouch! Kris nilaglag si Herbert; napa-aray sa sinabi ni Angel tungkol sa pakikipagrelasyon

Read more...