NAGLABAS ng pahayag ang dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo patungkol sa isyu sa pagitan nila ni Megastar Sharon Cuneta.
Hindi na raw kinakailangan pang humingi ng paumanhin ng singer-actress sa kanya ukol sa pag-call out nito sa pagkanta niya ng “Sana’y Wala Nang Wakas”, isa sa mga iconic songs ng Megastar.
“I don’t want to assume that your apology is for me because I was not named, but no apology for me is necessary. I was not hurt. I just felt sad that you felt slighted or offended, and I apologize for that. I had no intention to do that at all,” panimula ni Panelo sa kanyang inilabas na statement.
Aniya, gaya lang rin ng asawa ni Sharon na si Sen. Kiko at ng mga kapartido nito, nais lamang nila na magbigay saya at aliw sa mgadumadalo sa kanilang mga campaign rallies bukod sa pagsasabi ng kanilang kanya-kanyang plataporma.
“It just so happened that ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ holds a special place in my heart, and that’s why I chose it. I have been singing it for a long time for my special child, Carlo,” pagpapatuloy ni Panelo.
Batid niya na kung alam lang sana ng Megastar ang kanyang rason sa pagkanta ng isa sa kanyang mga sikat na awitin ay paniguradong maiintindihan niya ito.
“I know you would not have reacted that way if you knew that so I understand you, and hold no ill will towards you,” dagdag ni Panelo.
Matatandaan na nitong buwan lang nang maging maingay ang pangalan ng dalawa matapos i-call out ni Sharon ang ginawang pagkanta ng senatorial candidate ng “Sana’y Wala Nang Wakas” sa isang campaign event ng vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio na ginanap sa isang hotel sa Quezon City.
Ayon sa deleted post noon ni Sharon, nakakahiya ang ginawa ni Panelo sa pagkanta ng kanyang awitin at hindi rin daw ito humingi ng pahintulot sa kanya para kantahin ang naturang awitin.
Saad naman ng senatorial candidate, wala naman siyang ibang intensyon nang kantahin niya ito at inamin rin niyang inaalay niya ito sa kanyang anak na si Carlo na may Down Syndrome at pumanaw noong 2017 dahil sa heart complications.
Kahapon, March 24, ay humingi ng tawad si Sharon sa kanyang naging reaksyon sa pangyayari at inaming mali ang kanyang nagawa dahil idinaan niya ang kanyang pahayag sa sarcasm at pagbibiro.
Nabanggit naman ni Panelo na masaya pa nga siya sa nangyari dahil ang nangyaring ingay ay lumikha ng oportunidad para makapag-raise ng awareness ukol sa mga children with disabilities (CWDs).
“More are also now aware of the plight of children with disabilities (CWD) and their families. I hope this gives you comfort amid difficulties you encountered with this issue,” sey niya.
Masaya rin siyang malaman na isa si Sharon sa mga sumusuporta sa mga CWDs at paniguradong alam nito kung gaano kakulang ang suportang natatanggap ng mga ito mula sa gobyerno.
“I hope that through you, Team Leni Kiko can cross party lines to join our advocacy to provide free therapy and special education for CWDs, and nursing homes or facilities for orphaned or abandoned CWDs.
“I also hope that you can personally and publicly advocate for the same. With your star power, I am certain that the movement can gain more support. CWDs have a better chance if we’re all in this together.” saad ni Panelo.
Related Chika:
Panelo kay Sharon Cuneta: I sing your song to honor my son
Sharon binura na ang post laban kay Panelo pero ayaw pa ring tantanan ng bashers: What she did is so wrong talaga