Ria Atayde nag-topless para sa ika-30th birthday, binati ng ‘rumored dyowa’ na si Joshua Garcia

Ria Atayde nag-topless para sa ika-30th birthday, binati ng 'rumored dyowa' na si Joshua Garcia

GINULAT ng aktres na si Ria Atayde ang madlang pipol nang ibandera nito ang kanyang topless photo bilang selebrasyon ng kanyang ika-30th birthday.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang sexy photos.

Caption ni Ria, “Thirty already seems like the youngest and happiest I’ve ever been. Thank you, everyone, for all the birthday love!”

Dagdag pa niya, “I’ve been tearing up all day — my heart is full. As I have told everyone that has greeted me today, please eat something yummy for me today.”

Pahabol pa ni Ria, nawa’y huwag siyang patayin ng kanyang ama at inang si Sylvia Sanchez dahil sa kanyang sexy photoshoot.

“P.S. hi mom and dad, don’t kill me.”

Umani naman naman ng iba’t ibang reaksyon ang naturang post ni Ria.

Comment ni Yassi Pressman, “Happy Birthday!!! It’s the P.S. for me!”

“Happy birthday luv!!!!” saad naman ni Kyle Echarri.

Sey naman ni Aya Fernandez, “Wooo finally! I’ll say this again and again. You are a blessing Ria. Thank you for being you. We love you!!!!!”

Samantala, hindi naman papakabog sa pagbati ang aktor na si Joshua Garcia.

Simple pero talaga namang kinakiligan ng mga netizens ang ipinost ng aktor.

“Happy birthday rumored girlfriend @ria!” saad ni Joshua sa kanyang Instagram story.

 

 

Ni-repost naman ito ni Ria at sinabing, “Salamat, my liwanag and rumored boyfriend labyu!”

Matatandaang na-chika noon ang dalawa bilang mag-dyowa matapos silang ma-sight ng mga netizens na magkasama habang nakikipag-hangout sa tropahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngunit tinawanan lang ng dalawa ang intriga at sinabing talagang close lang sila.

Nitong January ay muli ring na-issue ang dalawa matapos mag-post ang pekeng Facebook page ni Joshua Garcia ng larawan nilang magkasama ni Ria na may caption na, “Ikaw ang aking liwanag”.

Related Chika:
Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him
Joshua sinagip nina Kathryn, Daniel, Ria at Sofia habang ‘nalulunod’ sa kalungkutan

Read more...