Love story nina Kit Thompson at Ana Jalandoni nagsimula sa Instagram | Bandera

Love story nina Kit Thompson at Ana Jalandoni nagsimula sa Instagram

Reggee Bonoan |March 22,2022
facebook
share this

Love story nina Kit Thompson at Ana Jalandoni nagsimula sa Instagram

Reggee Bonoan - March 22, 2022 - 07:05 PM

Ana Jalandoni at Kit Thompson

Ana Jalandoni at Kit Thompson

ANG kontrobersya pa rin tungkol kina Kit Thompson at Ana Jalandoni ang usapan sa “Showbiz Uopdate” vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh na in-upload kaninang madaling araw.

Pinuna raw kasi ng netizens ang agad na pagpo-post ni Ana ng bouquet of flowers na ipinadala ng manager ni Kit na si Erickson Raymundo ng Cornerstone na parang okay lang.

Katwiran naman ni Ogie, “Gustong iparamdam (Cornerstone honcho) na hindi sila dedma sa sinapit ni Ana.”

“At hindi sila nangungunsinti,” say naman ni Mama Loi.

“Kaya naman itong si Ana Jalandoni ay ipinost sa kanyang IG Story ang flowers na bigay ng Cornerstone.  Tapos may nag-comment ng, ‘post agad?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kit Thompson (@kitthompson)


“Tapos may sumagot, siyempre naman hindi naman siya unconscious. Anong gagawin niya sa hospital habang nagpapahinga?  Nakakaloka,” katwiran ni Ogie.

For the record, iisa ang management company nina Kit at Ana kaya ganu’n ang pag-aalala ng buong Cornerstone sa nangyari sa dalawa.

Ipinagdiinan din nina Ogie at Mama Loi na kinokondena nila ang mga pananakit sa mga kababaihan at kalalakihan dahil walang may karapatang manakit sa kapwa for all gender.

At waiting din ang “Showbiz Update” vlog at ibang netizens sa panig nina Kit at Ana kung bakit nauwi nga sa pisikalan ang kanilang relasyon.

Samantala, naikuwento ni Ogie na noong naghahanap si Ana ng ka-date ay napansin niya si Kit, pero to her surprise, may message na pala sa kanya ang aktor dati pa.

Natanong kasi ni Mama Loi kung paano nagsimula ang love story ng dalawa.

“Ang pagkakaalam ko kasi mula sa aming source o sa common friend namin ni Ana Jalandoni. One time itong si Ana loveless parang nag-scroll siya or ano, naghahanap siya ng makaka-date.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)


“Hanggang makita niya sa IG itong si Kit Thompson, so tiningnan niya, tsinek niya ganyan, tapos nu’ng ime-message niya na pagkita niya sa message, meron palang message sa kanya (si Kit).

“Parang may message request na hindi seen, so nu’ng nakita niya na nakikipagkilala sa kanya si Kit Thompson, e, di nireplayan niya.  Doon na nag-umpisa. And the rest is history,” kuwento ni Ogie.

Umaasa rin ang vlogger at talent manager na magkaroon na ng pag-uusap at magkaayos ang magkabilang panig pero kailangan pa ring harapin ng aktor ang reklamong isasampa sa kanya ni Ana.

https://bandera.inquirer.net/308540/kit-thompson-mahal-pa-rin-daw-ni-ana-jalandoni-pero-mapatawad-pa-kaya-ang-nakakulong-na-dyowa

https://bandera.inquirer.net/308729/kit-thompson-nakalabas-na-ng-kulungan-matapos-magpiyansa-ana-jalandoni-hindi-iuurong-ang-kaso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308572/kit-thompson-pinagmumura-ng-netizens-ana-jalandoni-pinayuhang-huwag-patatawarin-ang-nakakulong-na-bf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending