Cornerstone Entertainment naglabas ng pahayag ukol sa isyu ni Kit Thompson

Cornerstone Entertainment naglabas ng pahayag ukol isyu ni Kit Thompson

NAGLABAS ng pahayag ang Cornerstone Entertainment ukol sa kinasasangkutang isyu ngayon ng isa sa kanilang alagang si Kit Thompson.

Isang balita kasi ang gumulat sa madlang pipol ngayong araw matapos mag-trending ang aktor dahil sa diumano’y kontrobersyang kinasasangkutan nito at ng kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni.

“We have just been informed that one of our artists, Mr. Kit Thompson, was allegedly involved in an incident that transpired last night in Tagaytay City, Cavite,” saad ng talent agency sa kanilang official statement.

Ayon sa kanila, hindi pa sila makapagbigay ng anumang sagot o komento ukol sa isyu dahil wal pa silang natatanggap na formal report sa diumano’y insidenteng kinasangkutan ng isa sa kanilang alaga.

“As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter,” pagpapatuloy ng management ni Kit.

 

 

Hiling naman nila na sana ay maging maingat ang publiko sa pagbibigay komento ukol sa insidente.

“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online.”

Ayon sa report na inilabas ni Niko Baua ng ABS-CBN News ay nasa kustodiya pa ng pulisya si Kit para kwestiyunin ito ukol sa nangyaring insidente.

 

 

Related Chika:
Ana Jalandoni ni-rescue ng mga otoridad sa isang hotel sa Tagaytay, Kit Thompson dinala sa presinto para kwestiyunin
Kit Thompson may padyowa reveal, kinantiyawan ng mga kaibigan

 

Read more...