MULI na namang kinanta ni Salvador Panelo ang iconic song ni Sharon Cuneta na “Sana’y Wala Nang Wakas” sa naganap nitong meet and greet sa mga tagasuporta ng vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte sa Pasay Cuneta Astrodome noong March 16.
Matatandaang naging mainit na usapan sa social media ang senatorial candidate matapos siyang i-call out ni Megastar Sharon Cuneta dahil sa hindi nito pagpapaalam sa kanya nang kantahin nito ang isa sa sa iconic songs niya.
Sinabi rin ni Sharon na nakakahiya daw ang ginawa ni Panelo at sana ay mahiya ito dahil baka bigla na lang daw bumangon ang songwriter nitong si Willy Cruz.
Sagot naman ni Panelo, “It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo, who had down syndrome. I honor nim each time I sing the song.”
Humingi rin siya ng paumanhin kay Sharon dahil sa kanyang ginawa ngunit pinanindigan niya ma hindi siya titigil sa pagkanta nito dahil nagpaalam naman siya sa Viva Records at pinayagan daw siya nito na kantahin ang “Sana’y Wala Nang Wakas”.
Makalipas ang ilang araw ay binura rin ni Sharon ang kanyang post na umani ng libo libong komento mula sa netizens.
Sa isang shared post naman ay inamin ni Panelo na isa siyang certified Sharonian at sa katunayan, kinanta rin niya ang “Ikaw” noong burol ng kanyang anak na si Carlo.
Ayon pa sa kampo ng senatorial candidate, diumano’y magkakaroon raw siya ng album under Viva Record at kahapon raw ang kanyang recording ng kanyang version ng “Sana’y Wala Nang Wakas” na magiging available sa mga music streaming apps gaya ng Spotify at Apple Music.
Pero base sa inilabas na article ng pep.ph kung saan nakapanayam nila ang advertising at promotions manager ng Viva Records na si Punch Liwanag ay hindi daw nito alam ang album na gagawin ni Panelo.
““We are unaware of any new recording Secretary Sal has with Viva Records. Secretary Sal only has one song recorded and released last year,” sagot nito.
Ang kantang tinutukoy na ni-record at ni-release ni Panelo last year ay ang kanyang original composition na “You Are The Love of My Life”.
Related Chika:
Sharon Cuneta naimbyerna kay Panelo sa pagkanta ng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’: You don’t mess with a classic
Panelo kay Sharon Cuneta: I sing your song to honor my son
Sharon binura na ang post laban kay Panelo pero ayaw pa ring tantanan ng bashers: What she did is so wrong talaga