Alexa Ilacad naka-graduate na sa college: Still my greatest achievement! Bandera

Alexa Ilacad naka-graduate na sa college: Still my greatest achievement!

Ervin Santiago |March 15,2022
share this

Alexa Ilacad naka-graduate na sa college: Still my greatest achievement!

Ervin Santiago - March 15, 2022 - 05:40 PM
Alexa Ilacad naka-graduate na sa college

Alexa Ilacad

IBINANDERA ng Kapamilya actress at dating “Pinoy Big Brother” season 2 celebrity housemate na si Alexa Ilacad na finally ay naka-graduate na siya sa college.

Sa kanyang Instagram account, proud na ibinahagi ng dalaga ang kanyang graduation photo kung saan sinabi niyang “greatest achievement” niya ang pagtatapos sa kolehiyo.

Ipinost din ni Alexa sa IG ang isang quote mula sa American politician na si Colin Powell, kung saan sinabi nitong, “A dream does not become a reality through magic; it takes sweat, determination, and hard work.”

Bukod sa pamilya at sa mga taong sumuporta at naging bahagi ng journey niya bilang estudyante, nagpasalamat din si Alexa sa  pamantasan kung saan siya nagtapos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)


“Still my greatest achievement. I have nothing but gratitude in my heart for my @trestonph family,” simulang mensahe ni Alexa.

“I am blessed to have had a great support-system in school and at home.

“Thankful for my professors and mentors who helped me power through college without ever sacrificing excellence, and to my peers/barkada for making college life easier!” ang bahagi pa ng inilagay niyang caption sa kanyang graduation post.

“To my parents & supporters, I hope I made you proud. This one’s for you,” aniya pa.

Siyempre, hindi nakalimutan ng kanyang ka-loveteam na si KD Estrada na batiin ang aktres. Aniya, “Eto type ko eh.”

Nagtapos si Alexa ng Marketing Management sa Treston International College bilang isang Dean’s Lister.

Naging consistent honor student si Alexa sa kabila ng pagiging busy sa showbiz. Noong March, 2019, natapos ng dalaga ang unang taon niya sa college bilang Dean’s Lister na may general weighted average (GWA) na 1.47.

Sa second trimester naman ng ikalawang taon niya sa college, nakakuha siya ng 1.45 GWA at napabilang pa sa top students ng kanilang klase.

Noong August, 2021, sa huling taon niya sa college bilang Dean’s Lister ay nakakuha naman siya ng 1.0 GWA.

Alexa Ilacad, KD Estrada ‘destiny’ ang isa’t isa: We had this really, really strong connection!

Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, ‘di ba? Ang haba ng hair ko!

Cassy proud working student, nag-aaral habang nasa lock-in taping: Stressful but fun!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending