Nadine nanibago sa shooting ng ‘Greed’: Kapag umaarte ako feeling ko may kulang o may mali
ASAHAN na ng mga tagasuporta ni Nadine Lustre na pa-intense nang pa-intense ang mga susunod na projects na gagawin niya sa Viva Entertainment kaya talagang super excited ngayong 2022.
Three years din na hindi nakagawa ng pelikula ang aktres kaya naman talagang super na-miss niya ang pag-arte pero aniya, naging productive naman ang lumipas na mga taon para sa personal niyang buhay.
Kuwento ni Nadine na huling napanood sa pelikulang “Indak” na ipinalabas noong 2019 kasama si Sam Concepcion.
Dahil sa paghinto niya sa paggawa ng pelikula ay natutukan naman niya ang relasyon niya sa pamilya at malalapit na kaibigan pati na ang kanyang mental health.
At ngayong 2022 nga ay nagbabalik sa pag-arte ang dalaga sa pamamagitan ng Vivamax original suspense-thriller na “Greed” mula sa direksyon ni Yam Laranas na mapapanood sa Vivamax Plus pay-per-view sa March 16.
“A lot of rearranging happened in the last three years, mga issues po na na-put aside ko lang, things that I haven’t dealt with emotionally. Ang dami pong self-work na nangyari. Of course, with my mental health as well. Talagang I worked on myself,” kuwento ni Nadine sa nakaraang virtual mediacon ng “Greed” last Thursday.
Inamin ng dalaga na totoong nangapa siya sa pagsisimula ng shooting para sa comeback movie niya sa Viva, “Ang daming bagay na na-unlearn ko because nga po hindi ako humaharap sa camera.
View this post on Instagram
“Merong times na kapag nagsu-shoot kami, recently na po pag nagsu-shoot kami, parang hindi ko na alam kung paano ako magpo-pose, kung paano mag-smile.
“Medyo back to zero po ulit yung skills ko but it’s okay. Sobrang nanibago po kasi nga po sobrang tagal kong hindi nagtrabaho. Although nag-music po ako pero iba din naman kasing experience pag nagmu-music ka.
“Nu’ng nagsu-shoot po kami ni Direk Yam, pag umaarte ako feeling ko may kulang o may mali. Basta, sobrang nakakapanibago po. But then, eventually, naitama ko naman po. Naibalik ko naman po uli because of the help of Direk Yam din and my co-actors,” sabi pa ng aktres.
Sabi pa ng bida ng “Greed”, “Sobrang na-miss ko po siya (acting) kasi ibang-iba talaga ang pakiramdam pag umaarte. And iba din ’yung feeling pag nagpe-perform, kumakanta o sumasayaw. Ang pinaka na-miss ko po kasi sa pag-arte yung pagpo-portray ng character.
“I’m really happy kasi nakatrabaho ko si Direk Yam. Ako kasi ever since napapanood ko po yung mga pelikula ni Direk Yam, yung Aurora nga po yung isa na pinaka gusto ko na pelikula niya. So, nung nag-pitch po sila Boss sa akin, sila Direk, sobrang na-excite po ako,” lahad pa ng ex-boyfriend ni James Reid.
Samantala, excited ding ibinalita ng aktres na ibang-ibang Nadine ang mapapanood ng fans sa “Greed”, “Finally, this time, hindi na siya romantic-comedy or hindi lang siya drama. Thriller-horror siya so very exciting po.
“I’m really happy kasi this time around everyone is really trying to make an effort into changing, I guess, the genre or the stories that are being given to me,” sey ng aktres.
“Gusto talaga namin iba-iba na yung mga klase ng pelikula na gagawin ko I guess, pa-intense nang pa-instense yung mga istorya na ibibigay sa akin. Kaya super exciting,” pahayag pa ni Nadine.
Ka-join din sa “Greed” sina Diego Loyzaga at Epi Quizon.
https://bandera.inquirer.net/293677/si-nadine-lustre-na-nga-ba-ang-bagong-andi-eigenmann
https://bandera.inquirer.net/305347/nadine-diego-super-intense-sa-greed-vivamax-tuloy-ang-pag-ariba-ngayong-2022
https://bandera.inquirer.net/297395/cristy-muling-binanatan-si-nadine-wala-akong-planong-panoorin-siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.