KINUMPIRMA ng actor-singer na si James Reid na magbabalik siyang muli sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Sa kanyang Instagram live ngayong araw, March 12, ay nakipag-kulitan ang singer sa kanyang mga fans habang nasa studio sa Los Angeles.
“I’ll be back in April, I think. We’ll see,” saad ni James nang tanungin siya sa IG live kung siya babalik.
Nagkuwento naman ang actor-singer ng kanyang mga ganap na kasalukuyang nasa ibang bansa.
“Basically I’m out here in LA right now. I’ve been in and out of studios, working with different producers and song writers, working with Transparent Arts and spending time making music,” paglalahad ni James.
Mukha namang nae-enjoy ng binata ang kanyang stay sa Los Angeles, USA.
View this post on Instagram
Pagbabahagi ni James, isa sa mga bagay na nae-enjoy niya ay ang mga burgers sa lugar. Aminado rin siya na nadagdagan ang kanyang timbang buhat nang dumating siya sa Estados Unidos.
Humingi naman ng tawad ang binata sa biglaan niyang pag-alis nang walang paalam papuntang LA.
“I do apologize for not saying anything before I left. I just kind of left and bounce. I try and keep it low key but yeah,” ani James.
Matatandaang nitong Pebrero nang lumipad pa-Amerika ang binata para mag-record at gumawa ng mga kanta at para bisitahin rin ang kanyang kapatid.
Giit pa niya, excited na siyang makauwi sa Pilipinas para mai-share sa kanyang mga tagasuporta ang mga bagong kanta niya.
“I can’t wait to get back and release a lot of this stuff because yeah, it’s been awesome,” masayang lahat ni James.
Sa ngayon ay available na for streaming ang kanyang kantang “Hello 2.0 (Legends Only)”.
Related Chika:
Tatay ni James Reid tinawag na ‘basura’ ang balitang ‘for good’ na ang anak sa US
James Reid tuluyan nang iiwan ang Pinas, itutuloy ang singing career sa Amerika
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.