Nadine Lustre hindi na bet makipag-loveteam: I’m already past that

Nadine Lustre hindi na bet makipag-loveteam: I’m already past that
MATAPOS ang dalawang taong pagpapahinga mula sa makulay na mundo ng showbiz ay muling nagbabalik ang aktres na si Nadine Lustre sa pag-arte.

Pero sa kanyang comeback ay hindi na naghahanap ang aktres ng kanyang maaaring maka-loveteam.

“I feel like I’m totally past the love team phase,” saad ni Nadine sa ABS-CBN News.

Matatandaang isa ang loveteam nila ng dating dyowang si James Reid na kilala bilang JaDine sa talaga namang may malalaking fan base sa industriya pero ngayon nga ay handa na siyang mag-move forward at magsolo.

“I do believe that it’s something a lot of celebrities really go through,” pagpapatuloy ni Nadine.

Aniya, “It’s not a bad thing, though. A love team is a partnership. If you’re in a love team, you pull each other up. It’s really team work. Feeling ko I’m already past that. When you reached this age, feeling ko wala ng love team.”

 

 

Bukod sa pakikipag-love team ay nais rin sana ni Nadine na umiwas muna sa paggawa ng mga love stories sa kanyang mga susunod na projects dahil alam na raw naman ng mga tao paano siya gumanap sa mga ganoong roles at nais niyang sumubok ng iba pang mga genres.

“Gusto ko psychopath naman ako in my next project. Something different. Para naman exciting siya kung gagawin ko. Para iba din ang pakiramdam kung iba’t ibang characters ang gagawin mo.” pag-amin ni Nadine.

Dagdag pa niya, bukas naman siya sa mga opportunities lalo na’t sobrang na-miss niya rin ang pag-arte.

“Whatever happens, I’m open to it. Let’s see what happens. Sobrang na miss ko ang pag-arte. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag umaarte at iba din ang feeling kapag nagpe-perform ka, kumakanta o sumasayaw.

“Ang na-miss ko talaga sa pag-arte, where you portray a character. I don’t mind doing thriller, action, horror. Scripts that are mind-boggling. Kapag binasa mo talagang mapapa-isip ka,” lahad ni Nadine.

Kaya naman nang i-pitch daw sa kanya ang pelikulang “Greed” ay agad siyang na-excite.

“When Boss Vic (del Rosario of Viva) and Direk Yam pitched this Greed project to me, sobrang na-excite ako. Ang saya ko din. Finally, the project is no longer romantic comedy or drama. Horror-thriller ang Greed, so very exciting din for me,” sey ni Nadine.

Pero dahil nga sa kanyang matagal na pamamahinga na sinabayan pa ng pandemya ay hindi naging madali para sa aktres ang muling umarte sa harap ng kamera.

Pag-amin ni Nadine, “Hindi ako humaharap sa camera, so there were times na nag-shoot kami lately, hindi ko na alam kung paano ako magpo-pose or mag-smile.

“Back to zero ang skills ko kasi nga, ang tagal kong hindi nagtrabaho. Nanibago ako. Although nag-music ako pero iba naman kasi ‘yung experience doon.”

Eventually ay napagtagumpayan naman ito ni Nadine sa tulong ng kanilang direktor at mga co-actors.

Ang “Greed” ang magsisilbing comeback project ni Nadine sa pag-arte at ipapalabas ito sa March 16 sa Vivamax Plus samantalang simula April 8 ay mapapanood na ito sa Vivamax.

Iikot ang istorya patungkol sa mag-asawang nanalo sa ng jackpot sa lotto at nagplano na umalis sa kanilang hometown ngunit may mga bagay na nangyari na hindi umayon sa kanilang mga plano.

Makakasama ni Nadine sa pelikula si Diego Loyzaga na gaganap bilang kanyang asawa sa direksyon naman ni Yam Laranas.

Related Chika:
John Lloyd tuloy na ang pagbabalik-showbiz; pumirma na ng kontrata sa talent agency ni Maja
Coleen nanibago sa pag-arte: Ang tagal ko kasing nagpahinga, ang alam ko lang magluto, mag-change ng diapers…

Read more...