ISANG netizen ang binigyan ng payo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach patungkol sa kanyang physical appearance.
Sa kanyang Instagram stories ay nagtanong ang beauty queen ng “What do the voices in your head tell you?” bagay na sinagot ng madlang pipol.
“Di na ako gaganda kasi di na ako papayat,” sagot ng netizen.
Ibinahagi naman ni Pia ang kanyang sey sa iniisip ng netizen at sinabing hindi nasusukat sa hugis at size ng katawan ang kagandahan.
“You are beautiful no matter what size you are!” saad ni beauty queen-actress.
Dagdag pa ni Pia, kahit siya rin noon ay dumating sa punto na nararamdaman ng netizen ngunit na-overcome niya rin ito kaya naman naniniwala siyang makakaya rin ito ng netizen.
“It took me a while to realize that I am not defined by what I see in the weighing scale or in the mirror. It’s an uphill battle, but you’ll get there,” dagdag pa niya.
Sa huli ay pinalakas niyang muli ang loob ng netizen at sinabing, “Stay healthy at laban lang mamsh!”
Hindi naman maiiwasan sa panahon ngayon lalo na at uso ang social media kung saan tila nagkakaroon ng standard na dapat ay maging payat ka para masabing maganda ka.
Ngunit gaya nga ng sinabi ni Pia, wala naman sa size ng katawan para masukat ang kagandahan ng isang tao.
At bilang selebrasyon ng women’s month, nawa’y palagi nating tandaan na ang pisikal na pangangatawan ay hindi ang nag-iisang batayan para matawag kang maganda.
You can still be considered beautiful base sa iyong kalakasan, katalinuhan, at kagandahan ng loob.
Laging tandaan, ano man ang size ng katawan, kulay ng balat, at kung ano man ang iyong lahi, maganda ka dahil babae ka.
Related Chika:
Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career
Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers