MULING nagbigay saya ang mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa madlang pipol nang bumisita ang singer-actress sa studio ng “It’s Showtime”.
Habang kasalukuyang nagho-host ng “Showtime Sexy Babe” segment sina Ogie, Vhong, Karylle, Kim, at Tyang Amy ay bumisita ang Asia’s Songbird.
Nang makita si Regine ay agad namang nagsumbong si Tyang Amy patungkol sa kalokohan ni Ogie gaya na lamang ng pagsabi na mukha raw shih tzu sa kanyang hairdo.
“Mare, mare. Sabi mukha akong shih tzu. Pagtanggol mo ako mare,” sumbong ni Tyang Amy.
Agad naman itong ginatungan ni Vhong at sinabing nakipag-wrestling daw ito at “niyakap” ang isa sa mga contestant.
Agad namang kinuwelyuhan ni Regine ang asawa at pabirong kinaladkad palabas ng studio.
“Ikaw, halika. Halika dito. Mag-usap tayo,” saad ng Songbird pagkatapos ay pabirong ginulpi si Ogie.
Matapos ito ay dinala niya palabas ng building ang asawa at isinakay sa nakitang trolley at bumalik na sa studio para palitan ang asawa sa pagho-host.
“Ako na magho-host. So sinakay ko sa trolley bilang maliit lang siyang tao,” sabi ni Regine nang makatuntong sa “Showtime” stage.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Ogie na pawis at medyo magulo ang buhok.
Agad namang nagtawanan ang mga hosts ng noontime show matapos ang tila skit ng mag-asawa.
“Hi honey. I missed you today,” sey ni Regine sabay kiss sa asawa at hawak sa kamay nito.
Hirit naman ni Ogie, “Huwag naman masyadong mabilis. Mamaya na yan. Kunwari galit ka pa rin.”
Kaya naman muling pumuntos si Regine at tinakpan ang mukha ng asawa gamit ang hoodie na suot niya.
Marami naman sa madlang pipol ang naaliw sa dalawa at humiling pa na sana sy magkaroon sila ng sitcom.
Saad ng isang netizen, “Classic talaga si Sir Ogie. Sana may sitcom sila ni Ms. Regine. Napaka-good vibes non.”
“Parang dapat may sitcom nga talaga sila. Ganda ng tandem nilang mag-asawa. Effortlessly funny nila. Ganda pa ni Regine. Queen talaga with King of OPM,” hirit naman ng isa.
Related Chika:
Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!
Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!