Cesar Montano, Barbie Imperial at Diego Loyzaga
ANG ganda ng aura ng aktor na si Diego Loyzaga nang muli namin siyang makaharap sa ginanap na private screening ng “Adarna Gang” nitong Martes ng hapon.
Bukod sa aktor, dinaluhan din ito ng iba pang members ng cast tulad nina Shamaine Buencamino, Archie Adamos, Coleen Garcia, Rob Guinto, Kat Dovey, Aivy Rodriguez at Ronnie Lazaro.
Ito’y mula sa direksyon ni Jon Red kasama ang kapatid niyang si Raymond Red bilang DOP (Director of Photography).
Pagkatapos ng screening ay pinagkaguluhan si Diego ng mga imbitadong media para hingan ng reaksyon sa viral photo na magkasama sila ng ex-girlfriend niyang si Barbie Imperial sa isang kainan sa Pasig City.
May balikan nga bang nangyari? Ang natatawang sagot ng aktor, “I don’t wanna answer the question, we’re friends, we’re friends. No (hindi nagbalikan), Barbie and I we’re friends.
“We spent a very long time together imposibleng hindi kami maging magkaibigan. The respect is there and the friendship is still there, so, why not keep that friendship,” sabi ni Diego.
Pero may chance ba na magkasama silang muli? “Stop, bro! Ha-hahaha! You gonna stop that. Ha-hahaha!”
Naniniwala ba si Diego sa kasabihang, “love is lovelier the second time around”?
“Ha-hahaha! Let’s not all be hopeless romantic guys. Let’s respect each other, love each other. Peace, truce, peace not war. You know I made peace with all my demons recently but most of them, I love the fact that Dad (Cesar Montano) and I are good now.
“Why I want enemies? Why I want burn bridges, so, if Barbie and I are good and that makes me happy that we are and I want to keep it that way,” diin ng aktor.
Samantala, nabanggit ni Diego na finally ay gagawa na sila ng pelikula ng tatay niyang si Cesar na una ay ayaw pang banggitin, pero nang sabihin naming ire-revive nila ang “Waway” na pelikula ng ama noong 1993 na idinirek ng namayapang Toto Natividad at ngayon ay si Roman Perez, Jr. ang magdidirek ay napangiti at inamin na rin ito ng binata.
“Yes, puwede ko nang sabihin, yes, direk Roman, confirmed!” masayang sabi ng aktor.
Gagampanan ni Diego ang karakter na Leonardo Delos Reyes alyas Waway pero hindi naman niya sinabi kung ano ang role ng tatay niyang si Cesar.
Sa kasalukuyan ay wala pang schedule kung kailan ang shooting dahil in progress pa sabi ng aktor. At dahil okay na sila ni Barbie ay posible bang maging leading lady niya ulit ang aktres?
“Yeah, puwede. Magkatrabaho, yes of course,” paniniguro ni Diego.
Kaya sa supporters nina Diego at Barbie, tuloy pa rin naman ang dalawa bilang magkatrabaho hindi nga lang bilang magkasintahan.
Samantala, mapapanood na sa Vivamax ang “Adarna Gang” sa Marso 11 at gagampanan ng aktor ang karakter na pangalan din niya as Diego na pinakabunso sa pamilya at isang babaero.
https://bandera.inquirer.net/298126/more-than-blue-tagos-sa-kaluluwa-makaka-relate-ang-mga-wasak-ang-puso
https://bandera.inquirer.net/283535/mga-anak-ni-sunshine-nagmana-kay-cesar-napakahusay-din-naman-kasing-artista-ng-ama-nila
https://bandera.inquirer.net/297870/diego-mas-naging-malapit-uli-kay-cesar-nang-dahil-sa-covid-balak-humingi-sa-ama-ng-acting-tips