GAME na game ang magkapatid na sina Jake Ejercito at Jinggoy Estrada na sumagot sa mga tanong ng talent manager na si Ogie Diaz.
Sa vlog ng talent manager ay ibinahagi niya ang naging interview niya sa mga anak ng dating presidente Joseph “Erap” Estrada.
Dito ay ibinahagi nina Jake at Jinggoy na kahit na magkaiba sila ng ina ay hindi ito naging sagabal para maging maayos ang kanilang samahan.
Sa pagkukwento ni Jinggoy, bilin raw sa kanya ng ama na alagaang ang mga nakababatang kapatid na talga namang tumatak at isinabuhay niya kaya noong maliliit pa ang mga ito ay minsan, ang asawa niyang si Precy ang nag-aalaga sa mga ito.
Marami rin silang naikwento gaya na lang ng mga bagay na hinahangaan nila sa kanilang ama hanggang sa napunta ang usapan sa politika.
Matatandaang kasalukuyang tumatakbo sa pagkasenador si Jinggoy na iniendorso ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. samantalang hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang kasalukuyang bise presidente na si Leni Robredo naman ang sinusuportahan ng kapatid niyang si Jake.
“Opinyon niya ‘yun. May sarili akong opinyon. Nagrerespetuhan kami. Kung doon siya sa kabila, dito ako sa kabila, walang problema doon,” saad ni Jinggoy.
Sagot naman ni Jake, “I’m very grateful naman kay Kuya kasi hinahayaan niya rin naman ako. He respects that I have my own opinion.”
Dagdag pa niya, “I guess wala naman din masama. I mean we all want the same thing in the end, di ba? Pilipino naman tayong lahat. Hindi naman kailangan ‘yung cancel culture ngayon. Hindi naman kailangang mag-away away.”
Kwento pa ni Jinggoy, never niyang sinubukang himukin si Jake na piliin kung sino ang kanyang sinusuportahang presidente.
“Basta alam n’yo kung kanino ako, pulang-pula. Siya, rosas na rosas. Pero okay lang ‘yun. Ano tayo, respetuhan lang naman,” sabi pa niya.
Dito ay nabanggit ni Ogie na sa social media kasi ay talamak ang pag-aaway dahil sa magkakaibang paniniwala.
“Hindi naman kailangang mag-away. Bakit kailangan mag-away? Iisang dugo lang natin. Pilipino tayong lahat. At the end of the dat, magsasama-sama rin naman tayo, magkakaibigan pa rin naman tayo,” saad ni Jingggoy.
Dagdag pa niya, “Lalong lalo na kapag nanalo si Bongbong, magkakaisa na tayong lahat.”
Nakangiti lang naman si Jake sa tinuran ng kapatid pati na rin si Ogie kaya naman napatanong ito kung bakit naging tahimik ang dalawa na parehas na sumusuporta kay VP Leni.
“So paano naman si Leni?” tanong naman ni Ogie na ikinatawa nilang lahat.
“Angat buhay lahat,” short, sweet, at may diin na sagot ni Jake.
Related Chika:
Jake lalaban para kay VP Leni; Jinggoy game pa rin sa showbiz at public service
Jake nabiktima rin ng pambu-bully sa school: Kaya sanay na ako sa mga basher