Lolit Solis muling nag-post ukol sa kaibigang si Cristy Fermin: Konting ‘punit’ pero hindi naman warak na warak

Lolit Solis muling nag-post ukol sa kaibigang si Cristy Fermin: Konting 'punit' pero hindi naman warak na warak

MULING nag-post ang kolumnista at talent manager na si Manay Lolit Solis patungkol sa paglisan ng kaibigang si Cristy Fermin sa kanilang showbiz program noon.

Sa kanyang Instagram account ay inihayag niya na hanggang ngayon ay naninibago pa siya sa mga nangyayari.

“Talagang sanay na ang katawan ko na every Tuesday up and about ako dahil meron Take it… at pupunta ako sa Obra ni Nanay. Mahirap din burahin iyon 3 years na iyon na naging ugali mo, lalo sa akin na iyon lang yata ang diversion ko as a 75 years old senior,” saad ni Manay Lolit.

Aniya, naiintindihan naman niya ang naging katwiran at desisyon ni ‘Nay Cristy kung bakit pinili na nitong umalis.

“Madali din intindihin iyon katwiran ni Cristy, bigla hindi na siya masaya, gusto na niya ng ibang path sa kanyang journey, so bigyan mo siya ng laya sa gusto niya.

“Maliwanag ang stand ko, habang masaya pa ako sa Take it, habang hindi pa ito isang trabaho para sa akin, tuloy lang ako. Iyon parin ang team Take it, nawala lang si Cristy na ayaw namin palitan nila Mr. Fu,” pagpapatuloy pa ni Manay Lolit.

Sa ngayon ay may sarili nang digital show si Cristy Fermin na “Showbiz, Now Na!” kasama ang mga anak-anakan nitong sina Romel Chika at Morly Alinio.”

Biro pa ni Manay Lolit, kahit pa raw iba na ang kasama ng kaibigang kolumnista ay paniguradong mas mahal pa rin daw sila nito.

Para sa kanya, “Talaga lang kung minsan hindi nawawala iyon sabi nga, ‘naalog’ ang samahan, medyo may dumarating na konting ‘punit’ pero hindi naman warak na warak.”

Pagpapatuloy pa ni Manay Lolit, “Sa edad kasi namin ni Cristy siguro nga iyon senior moments dapat naiintindihan ng mga mas bata sa amin, at nakikita ko naman na tanggap din nila kaya nga lang siyempre choice parin ni Cristy na gusto niya ng iba naman landscape sa ngayon.”

Basta para sa talent manager, tuloy pa rin siya sa kanilang programa hangga’t masaya pa rin siya at hindi rin nila masasabi dahil baka sa huli ay silang tatlo pa rin ang magkita-kita sa finals.

“Basta , habang walang pressure, walang stress, at happy go lucky lang ang Take it, tuloy parin ako. Malay natin, sa ending, kami uling tatlo nila Cristy at Mr Fu, ganyan lang naman ang traffic ng buhay, iba’t ibang daan, pero sa dulo, nagtatagpo din.

“Basta nanduon parin ang friendship, walang problema, kanya kanya muna tayo, saka na ulit tayo magsama sama. Till we see each other again. Basta, happy tuesday parin, follow nyo parin kami ni Mr Fu, kasama parin namin sila Salve, andyan si Gorgy , bigay parin namin happy pills ninyo, basta happy lang, walang sad,” sey pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil
Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya

Read more...