Mga Laro sa Miyerkules
(Cuneta Astrodome)
5:15 p.m. Alaska Milk vs. Barako Bull
7:30 p.m. Talk ‘N Text vs. Rain Or Shine
Team Standings: Petron Blaze (8-1); SanMig Coffee (5-3); Meralco (5-3); Barako Bull (4-4); Rain Or Shine (4-4); Alaska Milk (3-4); Barangay Ginebra (3-4); Global Port (3-5); Talk ‘N Text (2-5); Air21 (2-6)
PORMAL na pagpasok sa quarterfinal round ng 2013 PBA Governors Cup ang puntirya ng defending champion Rain Or Shine at Barako Bull na mapapasabak kontra magkahiwalay na kalaban mamayang gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Makakatunggali ng Elasto Painters ang Talk ‘N Text sa ganap na alas-7:30 ng gabi matapos ang pagtutuos ng Energy Cola at Alaska Milk sa ganap na alas-5:15 ng hapon.
Kapwa may 4-4 record ang Rain Or Shine at Barako Bull subalit galing sila sa pagkatalo. Kaya naman hangad ng dalawang koponan na makabawi sa pagkakahilahod upang maging maganda ang pagtatapos nila sa elims at magkaroon ng momentum papasok sa quarterfinal round.
Ang Elasto Painters ay nasilat ng Barangay Ginebra San Miguel, 101-100, noong Sabado. Sa gabi ring iyon ay natalo ang Barako Bull kontra SanMig Coffee, 81-77.
Para makabawi ang Rain Or Shine ay kailangang maglaro ng mabuti ang mga Gilas Pilipinas members na sina Gabe Norwood at Jeff Chan na inalat sa huling laban ng koponan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.