Vico Sotto viral matapos mag-shoot ng bola habang nakatalikod, netizens namangha: Nasayo na ang lahat!

 Vico Sotto viral matapos mag-shoot ng bola habang nakatalikod, netizens namangha: Nasayo na ang lahat!

(File Photo) Pasig City Mayor Vico Sotto. Photo from his Facebook page

MARAMI ang namangha kay Pasig City Mayor Vico Sotto matapos mag-viral ang video nito kung saan pumasok sa ring ang kanyang ibinatong bola.

Kung titignan ay simpleng act lang naman ang pagpapapasok ng bola sa ring pero ang ginawa kasi ng alkalde ng Pasig ay ibinato niya ang bola sa ring habang nakatalikod.

Ang naturang video clip ay nagmula sa Instagram story mismo ni Mayor Vico.

“Ceremonial Free Throw Shot,” saad ng Pasig City mayor.

Kuha ang naturang video clip sa nangyaring inauguration ng Tierra Verde (Santolan) multi-purpose hall na may bagong gawang basketball court sa Barangay Santolan.

“Pasok! Ringless! Nakatalikod pa ‘yan ah. Galing talaga mag-basketball Mayor!” papuri ng isang netizen.

Saad naman ng isa pa, “N”

Sey naman ng isang FB user, “Vico Sotto x Kai Sotto.. may makakatalo kaya sa kanila?”

“Wow, kahit si Michael Jordan di nya nai-shoot ng patalikod yung bola. Si Isiah Thomas nai-shoot nya.” comment naman ng isa pang netizen.

Related Chika:
Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot
Hirit ni Tali Sotto sa kanyang mommy Pauleen: Kuya Vico looks like daddy!

Read more...