Nadine Lustre tutol sa ipapagawang tulay sa Siargao: Secret Beach should be preserved!

Nadine Lustre tutol sa ipapagawang tulay sa Siargao: Secret Beach should be preserved!

KAISA ang aktres na si Nadine Lustre sa pagtutol ukol sa pagpapatayo ng Department of Public Works and Highways ng Union-Malinao bridge sa Siargao Island.

Sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang ang kanyang saloobin ukol sa posibleng pagpapagawa ng tulay sa isla.

“Secret Beach is def one of the most peaceful spots on the island. It makes me so sad to know that people are planning to build a bride that will totally destroy that area. It will also destroy the mangroves, sea grass… disrupting the natural habitat of other species living in this protected area,” pagbabahagi ni Nadine.

Pagpapatuloy pa niya, “Homes of locals will be destroyed and jobs will be lost as a result of this bridge. The island hasn’t completely completely recovered from Typhoon Odette. People are starving, homeless and dealing with trauma everyday. I wish this was more prioritized more than anything else.”

Ani Nadine, kaya minamahal ng tao ang naturang isla dahil sa pagiging natural ng ganda nito pati na rin sa bait ng mga taong nakatira sa komunidad.

“Malinao is already beautiful as it is. Secret Beach should be preserved. Improvement isn’t always about pouring concrete. If we’re all respectful and protective towards the environment, our lives including every other living thing that co-exists with us will improve greatly,” sey pa niya.

Mayroon ring ibinahaging statement si Nadine mula sa mga residente ng Siargao.

“Over two months after Typhoon Odette, the island is still severely destroyed. Many in Siargao are silently frustrated by the little improvement of their lives and are appealing for more help from the authorities to help them to recover from this calamity.

“Locals are struggling with their everyday lives and strongly rely on private initiatives and community kitchens to get by their families.”

Base sa statement ay ang gagastusin sa pagpapagawa ng tulay na nagkakahalagang P144 million ay malaki nang tulong sa mga residente ng Siargao lalo na’t marami pa ang mga hindi nakakaahon mula sa sinapit nila sa nagdaang super typhoon.

 

Related Chika:
Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao
Kim nakabili ng ‘secret hideout’ sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni…parang bahay-bahayan

Read more...