Jessy aminadong na-insecure kay Luis: Siya ang naging mundo ko

Jessy aminadong na-insecure kay Luis: Siya ang naging mundo ko

NAGBALIKTANAW ang mag-asawang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang relasyon matapos ang isang taon ng pagiging kasal.

Sa latest vlog ni Lucky na pinamagatang “Luis Listens” ay nagkaroon ng Q&A ang dalawa kung saan sinagot ng actress-vlogger ang mga tanong na inihanda ng kanyang asawa.

Isa sa mga napag-usapan nila ay ang pagkakaiba ng ugali ni Jessy noong single pa siya sa Jessy na may asawa na.

“Mas naging matured ako ngayon kaysa noong bago tayo ikasal or even bago pa ‘yung relationship natin,” pag-amin ng actress-vlogger.

Ani Jessy, “I would always compare myself sa ‘yo, ‘yung achievements ni Howhow. Siyempre hindi naman rin joke ‘yung negativity na natanggap natin noong nagsimula ‘yung relationship natin, ‘di ba? And even the impact sa career ko, medyo nabahiran ng masamang image.

“Dumating rin sa point na parang nagkaroon ako ng wake up call na parang feeling ko sobrang immature ko. Ngayon, that’s what I’ve learned. Iba ‘yung path mo, iba ‘yung path ko but we also have our journey together.”

Doon nga ay napagtanto ni Jessy na hindi porke nasa isang relasyon kayo ay kinakailangang lagi na kayong magkarugtong.

“To all married couples or kahit mag-boyfriend girlfriend kayo, you have to still value that individuality. Like ako, dumating talaga sa point na parang feeling ko dapat naka-intertwine sa ‘yo yung path ko.

“Mag-asawa tayo… ‘Yung mundo ko, ginawa kong siya and dapat ‘yung mundo niya nandoon ako lagi but then, it’s not always like that.

“You have to be independent also. You have to find your own path and purpose,” pagpapatuloy ni Jessy.

At noon ngang na-realize ni Jessy na parang hindi na nagiging maganda ang kanyang mindset, biglang nagbago na ang perspective niya at mas naging mature na sa kanilang relasyon.

Sey pa niya, “Kapag may ganoon na kayong feeling sa isang relationship, like, ‘Bakit siya ganyan tapos ako hindi?’ You have to take a step back.

“Kailangan mong kausapin ang sarili mo na bakit ‘yung ang nararamdaman mo kasi medyo nagsa-suffer ‘yung support mo for your partner kapag gano’on ka mag-isip,” pahayag ni Jessy.

Related Chika:
Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko
Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal

Read more...