SHORT but sweet ang message ng aktor na si Matteo Guidicelli para sa asawang si Sarah Geronimo.
Kahapon, March 1, ibinandera ni Matteo ang mga larawan sa Instagram kasama ang actress-singer na nagdiriwang ng ika-19th anniversary sa showbiz.
Mukhang sa kabila ng kanilang pagiging mag-asawa ay nananatili pa ring fan si Matteo ng kanyang talented misis.
“Today marks your 19th year in show-business! Seeing you grow every single day as an artist and as a woman, totally blows my mind. Your passion, dedication, hard work and focus is just on another level,” saad ni Matteo sa kanyang caption.
Dagdag pa nito, “I am very very proud of you! Continue spreading love, happiness and inspiration to the people around the world!! I love you very much.”
Umani naman ng comments ang post ni Matteo mula sa mga tagasuporta nilang mag-asawa at mga kaibigan sa industriya.
“This is so sweet! Congrats, Sarah !! Popster forever!!!!!” comment ni BJ Pascual.
Saad naman ni Karen Davila, “How sweet!”
Heart emojis naman ang komento nina Iza Calzado at Kaye Abad.
Di naman magpapatalo ang mga loyal supporters ng asawa ni Matteo at hindi nagpahuli sa pagbati kay Sarah.
“I love you since day 1. Nakita ko kung paano ka nagsimula, nag-bloom, naging talented nang todo, na heartbreak, napagod, at ngayon napakasaya ng puso mo. Mahal na mahal kita! Wish ko sana someday makita na kita. Iloveyou. Happy 19th anniversary!” saad ng IG user na si @jhotalde.020191.
Sey naman ni @ahwelpaz, “Congratulations Sarah! You’re a priceless gift to this industry made more precious by your hubby, Matteo! God bless.”
“Aww. What a very sweet greeting! I’m happy that you’re both happy and congratulations Sarah!” hirit naman ni @all.about.mystars.
Unang nakilala si Sarah matapos itonag manalo sa talent show na “Star For The Night”. Ilan rin sa mga silat niyang kanta ay “To Love You More”, “I Still Believe In Loving You”, “Kilometro”, at “Tala”.
Related Chika:
Matteo gusto nang maging daddy, tinukso-tukso si Sarah: Babies! Babies!
Matteo hinangaan ng netizens sa Mother’s Day message para kay Mommy Divine