Kiko Estrada nag-resign nga ba sa ‘Darna’ o tsinugi dahil pasaway daw?

Janelle Lewis at Kiko Estrada

MAY ilalabas na official statement ang JRB Creatives Productions kung bakit wala na si Kiko Estrada sa “Darna” series ni Jane de Leon.

Si Paolo Gumabao na ang kapalit ni Kiko bilang si Noah Ballesteros na magiging manliligaw ni Narda (Jane).

Ang ibinigay na rason ni Kiko kaya siya bumitaw sa karakter niya ay dahil conflict of schedule.

Anyway, ang nakarating namang balita sa amin ay inalis ang aktor dahil sa pasaway umano nitong ugali na hindi na kayang i-tolerate ng mga katrabaho niya.

Sana’y linawin agad ito ni Kiko dahil hindi ito maganda para sa kanyang career. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng binata hinggil dito.

Ang sitsit sa amin, “Conflict of schedules ba ang dahilan? Baka naman kasi sobrang in love siya sa dyowa niyang beauty queen?”

Ang dyowang beauty queen na tinutukoy ng aming source ay si Janelle Lewis, ang itinanghal na 2nd Princess sa Miss World Philippines 2021. 

Inamin ng dalaga na sila na nga ni Kiko noong Peb. 1 sa face-to-face mediacon ng pelikulang “Takas” kung saan kasama niya si Teejay Marquez na ginanap sa Cinema 76 Café sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Samantala, waiting kami sa official statement ng JRB Creative Productions tungkol kay Kiko na siyang may hawak ng “Darna” series ni Jane de Leon.


https://bandera.inquirer.net/299730/sylvia-super-proud-pa-rin-kahit-hindi-nagwagi-sa-asian-academy-for-creative-arts-2021

https://bandera.inquirer.net/289959/sanaall-kiko-ibinandera-ang-paglalambing-sa-asawang-si-sharon

Read more...