Lee Young Ae ng ‘Jewel in the Palace’ nagpakita ng suporta sa Ukraine, nag-donate ng ₩100 million

Lee Young Ae ng 'Jewel in the Palace' nagpakita ng suporta sa Ukraine, nag-donate ng ₩100 million

NAGPAABOT ng tulong pinansyal ang South Korean actress na si Lee Young Ae o mas nakilala sa kanyang karakter na Seo Jang Geum sa hit Korean drama na “Jewel in the Palace” sa Ukraine.

Nagkakahalaga ng ₩100 million o halos P4.2 million ang kaniyang binigay sa mga mamamayan ng Ukraine na kasalukuyang nakararanas ng krisis dahil sa invasion ng Russia sa kanilang bansa.

Ibinahagi ng Ukraine ambassador Dmytro Ponomarenko ngayong araw, March 1, ang donasyon ni Lee Young Ae sa kanyang Twitter account kung saan makikita ang larawan ng cheke mula sa aktres maging ang kanyang liham para sa mga Ukranian citizens.

“We are very excited and touched by the letter and the great financial contribution of the famous Korean actress Lee Young-ae in support of Ukraine and the demand to end the war as soon as possible! The donations will be transferred to the needs of victims of aggression,” saad ni Ponomarenko.

Sa sulat ng South Korean actress ay hiniling nito na sana ay magkaroon na ng kapayapaan sa bansa base na rin sa balita na inilabas ngayong araw ng Soompi.

Narito ang nilalaman ng sulat ng aktres:

“I am Lee Young Ae, an actress living in Korea. As a family of veterans who went through war, I feel the horrors of the war more deeply than anyone else.

“I sincerely hope that the war will stop and peace will be established in Ukraine as soon as possible, and I pray for the well-being and safety of all Ukrainian citizens.

“Ukrainians, who love freedom and peace, I hope you don’t lose hope and courage!

“As a citizen og independent Korea who loves peace, I woulf like to convey my small but precious heart to the people of Ukraine. May God always bless you.”

Bukod sa “Jewel in the Palace” bumida rin si Lee Young Ae sa mga pelikula at series gaya ng “Lady Vengeance,” “Inspector Koo” at “Bring Me Home.”

 

Related Chika:
Miss Ukraine 2015 Anastasiia Lenna ibinandera ang baril; handa nang lumaban kontra Russian invasion
Kim Chiu napuyat kakanood ng videos ukol sa Russia at Ukraine: Pray for world peace!

Read more...