Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya
LABIS ang pasasalamat ng aktor na si Baron Geisler sa kanyang asawang si Jamie Geisler dahil sa ipinapakita nitong pagsuporta sa kanyang mga proyekto.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang ilang larawan kasama ang production at mga co-actors sa kanyang bagong pelikulang “Pusoy” na mapapanood sa Vivamax.

“Maraming salamat po sa lahat! Nagtatrabaho lang po para sa pamilya,” saad ni Baron sa comment section ng kanyang post.

Dagdag pa ng aktor, “I value my family so much. Sobrang supportive ng asawa ko basta maayos lang. GODSPEED!”

Nag-comment rin sa kanyang post ang asawang si Jamie.

“Congratulations, team Pusoy and most especially to my husband for a superb performance as always.

“We were very hesitant to take this project but we have full trust in Sir Brillante Mendoza, Center Stage Productions, and Viva Entertainment that this will be very tastefully done woth utmost professionalism from everyone. Thank you,” saad ng asawa ni Baron.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lang nang maghimutok ang asawa ng aktor sa Facebook ukol sa aktres na diumano’y nag-book pa ng sasakyan para lang masundo at makadalo ang aktor sa kanyang bahay para makipag-inuman.

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain’t cool. It is very unbecoming of a single Christian woman, i support and respect my husband’s craft but I don’t tolerate such disrespect. So let’s keep it professional,” saad ng asawa ni Baron sa FB post niya na ngayon ay deleted na.

Humingi naman ito ng paumanhin sa kanyang naging asal marahil ay nadala lang rin siya ng pagkakataon lalo na at gusto lang rin niyang pahalagahan ang kanilang munting pamilya.

“Thank you for your kind words, friends. I’m sorry to vent my frustration here, so classless of me. However, I considered her my friend, and she is aware that my husband has a drinking problem. I sent her a personal messafe to no avail, so I had to get my message accross. I know a lot of women can relate in my siituation,” pagbabahagi ng asawa ni Baron.

Dagdag pa niya, “Please don’t bash her, she is a nice person. Maybe she just wasn’t thinking right. Praying God will take away the anger in my heart.”

Related Chika:
Asawa ni Baron Geisler may patutsada sa isang aktres: Kabit sa movie, nadala in real life
Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Read more...