Bea, Angelica rumampa sa reunion ng barkada kasama ang mga dyowa; Anne super enjoy sa ‘Maritess time’

PINUSUAN at umani ng mga positibo at kilig comments ang bonggang litrato ng tropa nina Angel Locsin, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Bea Alonzo at Dimples Romana.

Kuha ito sa naganap na reunion ng  magkakaibigan nitong nagdaang Linggo ng gabi, Feb. 27, sa bahay ni Angel. Sila ng kanyang asawang film producer na si Neil Arce ang nag-host ng kanilang get-together.

In fairness, talagang rumampa sina Bea at Angelica sa kanilang reunion kasama ang kanilang mga boyfriend na ikinatuwa naman ng mga fans.

Bitbit ni Angelica ang non-showbiz boyfriend niyang si Greg Hoffman, na naging karelasyon niya noong July, 2020, habang kasama naman ni Bea ang dyowang si Dominic Roque na naging karelasyon niya noong January, 2021.


Parehong naging masaya at makulay ang lovelife nina Bea at Angelica ngayong panahon ng pandemya kaya naman tuwang-tuwa talaga para sa kanila ang mga kaibigang sina Angel, Anne at Dimples.

Base sa napanood naming video na ibinahagi ni Angel sa kanyang social media accounts, nakisaya sandali sa reunion ng magkakaibigan ang asawa ni Anne na si Erwan Heussaff at anak nilang si Dahlia.

Nabanggit ni Angel na “2 years in the making” ang muling pagkikita-kita ng kanilang tropa kaya naman umaatikabong chikahan, tawanan at tilian ang nangyari.

Nag-post din si Anne ng snapshot mula sa kanilang reunion na may caption na, “Missed these ladies so much! Imagine 2 years worth of catching up!

“They finally got to meet my little one too. Thank you tita Gel for showing her your cutie chickens! (Tita Bea, next time promise!) Thank you Dahlia and @erwan for letting me stay a little longer to have some chika/maritess time with this lot.

“Till the next one mga mars! Let’s not wait too long,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/305450/angelica-panganiban-ayaw-nang-maniwala-sa-kembak-kapag-may-history-ng-pambubudol-never-again

https://bandera.inquirer.net/294062/sey-ni-ely-eraserheads-reunion-posibleng-mangyari-pag-tumakbo-si-leni

https://bandera.inquirer.net/288908/hugot-ni-jennica-nagkayayaan-ang-tropa-tapos-lahat-may-lovelife-maliban-sa-yo

Read more...