Bela Padilla inaming hindi dapat siya ang bibida sa ‘366’: I required Liza Soberano for this

Bela Padilla inaming hindi dapat siya ang bibida sa '366': I required Liza Soberano for this

ISANG rebelasyon ang inilahad ni Bela Padilla patungkol sa kanyang directorial movie na ‘366’ under Viva Films.

Sa interview sa kanya ng ABS-CBN News ay inamin niyang hindi talaga siya ang first choice na gaganap sa female lead ng pelikula.

“The film, 366, wasn’t meant for me. I didn’t want to act in it because I was told I was going to direct it, so I wanted another actress to be in it,” saad ni Bela.

Pagkukwento pa niya, dumating pa raw nga sa punto na pinakuha na rin niya ang kopya ng schedule ng aktres.

“I required Liza Soberano for this. I even came to a point where I asked for her schedule already. She was doing a TV show at that time. I think it was Make It With You,” pagpapatuloy ni Bela.

Ngunit nagbago ang kanyang mga plano dahil na rin sa biglaang pagkakaroon ng pandemya dulot ng nakahahawang sakit na COVID-19.

Nahirapan na rin sila Bela dahil marami sa mga artista ang tila takot na magtrabaho dahil na rin sa wala pang bakuna para sa nasabing sakit at medyo mahirap ang magkasakit noong mga panahon na ‘yon.

Aniya, “When the pandemic started, a lot of actors didn’t want to work. Mahirap naman na biglang sasabak sa bubble, sa shooting life. Hindi ko pinilit ang original vision ko for this film.”

Dagdag rin niya, dahil sa bukod sa siya ang director ay siya na rin nga ang gumanap na bida sa pelikula, sa tingin niya ay paniguradong may pagkakaiba ang naging interpretasyon sa female character lalo na at hindi may pagkakaiba nga sila ng original na gaganap na si Liza.

Sa kabila ng pagkakaudlot ng pagsasama ng dalawa sa isang proyekto ay nais pa rin nitong makatrabaho ang aktres.

“I wouldn’t say better, but it’s definitely different. I am older than Liza. I guess my interpretation of grief and love are different. Liza and I are in different stages in our lives. I gave a different interpretation and performance than she would have given. I still love to work with her, though. Maybe one day, that will still happen,” sey ni Bela.

Related Chika:
Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!
Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan

Read more...