THIRD party nga ba talaga ang dahilan sa diumano’y paghihiwalay ng Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana?
Halos isang buwan na rin kasi ang nakakalipas buhat nang umugong ang bali-balita na hiwalay na umano ang dalawa na nag-ugat nang mapansin ng mga netizen na tila hindi na naka-follow ang isa’t isa sa Instagram.
Matapos ngang kumalat ang pag-unfollow ay muli na namang naging connected ang dalawa sa naturang social media site ngunit tila may nag-iba na sa kanilang samahan. May mga nakapansin na rin na hindi na suot ni Carla ang kaniyang wedding ring kaya naman mas naghinala ang madlang pipol kung ano nga ba ang real score sa pagitan ng mag-asawa.
Kahit noong mag-comment si Tom sa isang post ng “I love you” sa isa sa mga IG posts ng aktres ay nanatiling deadma ito.
Hanggang ngayon ay nanantiling tahimik ang sina Carla at Tom sa isyu ngunit tila may pagpaparamdam na ang aktres sa dahilan ng kanilang paghihiwalay kung totoo man ito.
Sa IG post ni Tom Rodriguez kaapon, February 24, para sa kanyang promotion ng pelikula nila ni Meg Imperial na “The Last Five Years” kung saan ang tema ay tungkol sa dalawang taong matagal nang magkarelasyon na nasa bingit ng paghihiwalay.
“Nakilala, nagmahal, nasaktan. Kailan ka huling umiyak dahil sa pag-ibig?” saad ni Tom sa kanyang caption.
Inulan naman ang kanyang post ng mga hindi magagandang komento na iniuugnay sa kasalukuyang lagay ng kanilang relasyon ng asawa.
“You are CHEATER,” comment ng isang IG user na si @vcm1108 na “pinusuan” ni Carla Abellana.
Tila tumibay ang hinala ng mga netizens na nakapansin sa ginawa ni Carla na mukhang “third party” nga ang dahilan ng sigalot sa kanilang relasyon.
“Grabe ni-like ni carla ung comment mo. Baka nag cheat talaga si Tom sa kanya. Sino kaya yung third party?” comment ng isang netizen.
Saad pa ng isa, “Tom, maraming beses nang nilalike ni Carla mga comments about cheating… baka gusto niya na ikaw unang magsalita at aminin mo kasalanan mo. Baka gusto niya ipagtanggol mo siya sa mga basher so aminin mo na kung ikaw nman talaga ang nagkasala… Baka sa paraang yon mapatawad ka na niya… Kasi bilang asawa, ramdam ko rin ang sakit lalo na kakakasal nyo lang.”
May mga netizen naman ang tila hindi natuwa sa ginagawa ng aktres.
“Tahimik yung asawa nya, tapos sya ung maingay sa social media. Parang walang nagawang kabutihan si Tom sa kanya, kahit sabihin nyong bias ako pero di ako agree sa mga pinaggagagawa nyang yan na parang sinisiraan na nya asawa nya!!!” sey ng isang netizen.
Giit rin ng isa pa, “Tatambay pa sya sa IG ng asawa para sirain nya, kung may proof sya na nag cheat sa kanya si Tom e di magsalita sya at ipakita nya.”
Pitong taon munang naging magkarelasyon sina Tom at Carla bago sila magpakasal noong October 2021.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mag-asawa hinggil sa isyung kinakaharap. Hangad rin namin na sana ay maging maayos na ang mga bagay sa pagitan ng mag-asawa.
Related Chika:
Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!
Hindi po ako pabor sa cheating dahil naging biktima rin naman ako – Kim