Pagtsugi sa ‘Lunch Out Loud’ fake news, sey ni Albee Benitez: LOL stays committed in giving fun, laughter and prizes to every household

Pagtsugi sa 'Lunch Out Loud' fake news, sey ni Albee Benitez:  LOL stays committed in giving fun, laughter and prizes to every household
SA unang pagkakataon ay naglabas na ng official statement ang CEO o Chief Executive Officer ng Brightlight Productions na si Ginoong Albee Benitez hingil sa balitang mawawala na sa ere ang programang “Lunch Out Loud” o LOL na napapanood sa TV5 tuwing tanghali.

Sa Facebook page ng LOL pinost ang statement na may logo ng programa.

“There is NO truth to the claim that our noontime show, Lunch Out Loud (LOL), will go off-air any time soon.

“LOL’s ratings, gathered from Nielsen, have been thriving well and remained competitive vis-a-vis its rival shows’ ratings in Luzon and, on numerous occassions, even surpassed them in the Visayas and Mindanao.

“It is truly unfortunate that such malicious rumor has been made to circulate. My political pursuit has absolutely nothing to do with the show. All these speculations are unfounded assertions, aimed solely to sow unnecessary intrigue, at the expense of innocent people’s livelihood.

“The LOL family has strongly survived more than a year on-air, despite the pandemic. The show has a lot of exciting things to offer in the coming months. I would like to reassure the public that LOL stays committed in giving fun, laughter and prizes to every household.”

Ilang beses na kasing nabalita na tatanggalin na sa ere ang LOL noong nakaraang taon at lagi kaming nagtatanong sa mga dating Kapamilya na kinuha ni Ginoong Benitez para sa programa at iisa ang sagot sa amin, ‘not true!’

At nitong Miyerkoles ng gabi ay muling ibinalita ng kilalang talent manager/vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update kasama ang co-host na si Mama Loi at ang dalawa pang vlogger na sina Dyosa Pockoh at Tita Jegs na mawawala na nga ang LOL dahil hindi kumikita at magiging abala si Ginoong Albee Benitez sa kampanya ng kanyang kandidatura bilang mayor sa bayan ng Bacolod City, Negros Occidental.

Bago naman ito ikinuwento ni Ogie ay nagsabi na siya na, “usap-usapan lamang ha, hindi pa ito kumpirmado. Sa mga nakapanood puwedeng kumpirmahin ito o i-deny.”

Binanggit din na tinawagan nito si Wacky Kiray, isa sa host ng LOL at mariin nga nitong itinanggi at sa katunayan ay may mga bago silang episodes o segments.

At bago magtapos si Ogie ay, “sana nga hindi totoo kasi siyempre hindi dahil ibinabalita namin dito na kami ‘yung nauna, e, natutuwa kami kasi siyempre trabaho pa rin ‘yan para sa kasamahan natin sa industriya.

“Ang dami na nga nawalan ng trabaho dulot ng pandemya, dulot ng pagkakasara ng ABS-CBN na napunta sa TV5 (ibang empleyado) tapos magsasara pa ‘yung show, siyempre malungkot, kaya sana hindi ito totoo!”

Hindi naman nasagot ni ginoong Benitez ang binanggit ni Ogie na, “may isyu pa na ‘yung limang araw, ‘yung isa (araw) ro’n libre. Parang 5 take 1 parang ganu’n doon sa mga talent fees para lang daw makaagapay.”

Hmm, ito ba umano ang dahilan kaya nag-resign si Ariel Rivera sa LOL dahil hindi niya nagustuhan ang sistema?

Kung totoo man ito o hindi ang mahalaga ay hindi mawawala ang Lunch Out Loud kaya may trabaho pa rin ang mga dating Kapamilya staff na nawalan ng trabaho sa pagsasara ng ABS-CBN at mga artistang nawalan din ng ikabubuhay.

Ang mga host ng LOL ay sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, K Brosas, KC Montero, Wacky Kiray, Jeffrey Tam, Laboching, at Alex Gonzaga na lahat ay nagsimula noong 2020.

Related Chika:
‘LOL’ nina Billy at Alex sa TV5 tinatalo sa ratings game ang ‘Showtime’ nina Vice
Lunch Out Loud papalitan nga ba ng It’s Showtime sa TV5?

Read more...