Albert Martinez nakatanggap ng tulong pinansyal noon kay Dra. Vicki Belo

Albert Martinez nakatanggap ng tulong pinansyal noon kay Dra. Vicki Belo

BINALIKAN ni Albert Martinez ang kanyang mga pinagdaanan noon sa buhay nang tamaan ng matinding sakit ang asawa nitong si Liezl Martinez.

Sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo ay ikinuwento ng aktor ang naging laban ng asawa sa sakit na breast at lung cancer.

“Actually what happened was an accidental knowing what happened. Pops and Liezl, nagpa-schedule sila for a test… wala lang, parang for the heck of it. A week after, the result came out. I was downstairs and I heard she screamed. She was running down the stairs. I said ‘What happened?’ She said “Papa, they found something’. My entire world collapsed and I don’t know what to do,’ pagbabaliktnaw ni Albert.

Noong mga panahon daw na nalaman nila ang sakit ng asawa ay may proyekto siyang kasalukuyang ginagawa sa Kapamilya network.

Kwento pa ni Albert, hindi siya makatigil noon sa pagtatrabaho at pag-arte dahil sa tindi ng kanilang gastusin para sa pagpapagamot ni Liezl.

Dumating pa nga siya sa puntong sa sobrang hirap na niya financially ay nilapitan niya ang isa sa kanyang malalapit na kaibigan at ito nga ay si Dra. Vicki Belo.

“There was a point wherein nahirapan na rin ako financially. It was really hard. Actually, I got in touch with you that time,” saad ni Albert.

“Tumulong ba ko?” balik tanong naman ni Dra. Vicki.

“Yeah, kasi umabot na sa point na ganun na next procedure na, Ganun kalaki yung expenses. Sabi ko sige, I’d rather lose everything,” tugon naman ng aktor.

Gumanda pa ang pakiramdam ni Liezl matapos ang mga naging procedure na ginawa sa kanya ngunit nagkaroon ng remission ang cancer at doon na nagdesisyon ang kanyang misis na tumigil na sa pagpapagamot at tanggapin na lang ang mga nakatakdang mangyari.

“Papa, I know that we got hit really bad financially. I don’t want to pull you too much down anymore,” saad daw sa kanya ng asawa.

Pumanaw si Liezl noong March 2015 sa edad na 47.

Related Chika:
Albert Martinez sa chikang may relasyon daw sila ni Faith da Silva: I believe it’s not that bad at all…
Albert umaming balak na sanang magretiro sa showbiz; Jillian busy sa pag-aayos ng bahay sa probinsya

Read more...