Claudine proud sister ni Gretchen: You, my Ate, are the ‘Queen of people’s hearts’

Claudine proud sister ni Gretchen: You my Ate is the 'Queen of people's hearts'

SUPER proud ang aktres na si Claudine Barretto sa mga ganap ngayon ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto.

Kamakailan kasi ay umani ng papuri si La Greta matapos ang kanyang pamamahagi ng ambulance units sa Victor R. Potenciano Hospital sa Mandaluyong.

Bago pa man ang pamamahagi ng ambulance units ay abala na ang kapatid ni Claudine sa pamimigay ng love boxes sa mga kaibigan sa entertainment industry pati na rin sa mga healthcare workers.

“It’s an honor to be called you’re sister. May God bless you even more than what you have,” saad ni Claudine.

Aniya, sa kabila daw ng pagiging busy ng kapatid ay hindi pa rin ito nakakalimot sa pagbibigay tulong sa mga taong nangangailangan.

“No matter how busy you are, you always prioritize helping others. You, my Ate, [are] the ‘Queen of people’s hearts’,” dagdag pa ni Claudine.

Nag-reply naman si Gretchen sa naturang post ng kanyang nakababatang kapatid.

“I love you, my baby girl,” sagot ni Greta.

“Thank you for having a heart like gold. I love you my Ate so much,” muling sey ni Claudine.

Hinangaan rin ng mga netizens si Gretchen sa kanyang pagkakaroon ng mabuting puso.

“Kahit noon pa naman tumutulong na c gretchen tahimik lng. But now mas doble kc siguro na realize na rin ni Gretchen ang kayamanan di mo naman maidala sa hukay yan at nag mature ng mas doble si gretchen ngayon. ‘Yung pag tulong tuloy mo lang yan Gretchen. Masarap matulog sa gabi na merun ka natulungan at nagawa. I’m proud, Claudine, sa ate mo si Gretchen,” saad ng user na si @laila_enriquez.

Comment naman ni @theadhannah, “Sana wag po kayong mag sawang tumulong… Isa po ako sa mga natulungan nyo madam.. Kaya maraming Salamat po.. Godbless.”

Sey naman ni @judithaloysius, “A sister’s love will always be the genuineness love ever. I love how you two sisters cares for each other. Never stop being like this please. It’s makes me shade tears of joy. Love from Judith, a Nigerian fan of you two sisters.”

 

Related Chika:
Gretchen, Claudine maayos ang relasyon: You are the most beautiful to me, my love!
Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?

Read more...