Arnel Pineda
NAG-WARNING ang singer at Journey frontman na si Arnel Pineda sa publiko tungkol sa mga scammer na gumagamit sa kanyang pangalan at mga litrato.
Napag-alaman ni Arnel na may pekeng Facebook account na nakapangalan sa kanya at ilegal na ginagamit ang kanyang mga photos sa social media.
Babala niya sa madlang pipol, huwag na huwag magpapaloko sa nasabing sindikato sa socmed lalo na kapag hiningan na sila ng pera at mga mahahalaga at personal na impormasyon.
Nalaman ni Arnel na ang nasabing fake Facebook account ay nanghihingi ng pera sa mga followers nito kaya naman naalarma na ang singer dahil baka marami na itong nabibiktima.
Ngayong araw, nag-post ang OPM icon at bokalista ng American rock band na The Journey sa Instagram ng screenshot ng kanyang official FB page at ng pekeng account na nakapangalan sa kany with matching litrato pa.
“SCAM ALERT. It has been brought to our attention that there is a person claiming to be me asking for money,” ang simulang paalala ng singer sa publiko.
Dugtong pa niya, “They are a fraud. I don’t private chat nor give phone number to solicit money. #APFI Arnel Pineda Foundation Inc. – APFI operates solely within the Philippines with no outside affiliations.
“Check the pic out and you will know who’s the scammer and not,” pahayag pa ng international performer.
Sa ngayon, ang official Facebook page ng singer na ArnelPinedaOfficial ay may mahigit 164,000 followers na.
Busy ngayon si Arnel sa “Freedom Tour 2022” concert tour ng The Journey.
https://bandera.inquirer.net/295651/willie-tinawag-na-scammer-ng-bagong-panganak-na-ginang-sige-scam-pa-manloko-ka-pa
https://bandera.inquirer.net/288243/heart-binalikan-ang-pagkawala-ng-kambal-nila-ni-chiz-worst-day-of-my-life
https://bandera.inquirer.net/295016/klea-pineda-inatake-ng-depresyon-dahil-sa-body-shaming-humahanap-sila-ng-butas-para-hilain-ka-pababa