Angeline Quinto masayang nakipag-bonding kila Vice Ganda kasama ang non-showbiz dyowa

Angeline Quinto masayang nakipag-bonding kila Vice Ganda kasama ang non-showbiz dyowa

USAP-USAPAN ngayon ang bagong Instagram post ng actress-singer na si Angeline Quinto kasama ang pamilya ni Vice Ganda nitong Martes, February 22.

“2.22.22 with my 2nd family,” caption ni Angge sa kanyang post.

Marami sa mga netizens ang natutuwa dahil tila all out na ngayon ang pagpe-flex ni Angeline sa kanyang non-showbiz dyowa na noon ay itinatago pa niya ang identity sa madlang pipol.

Matatandaang sa kanyang vlog kung saan ibinahagi niya sa netizens ang kanyang maternity shoot pati na rin ang pakikipagkulitan niya sa kanyang team sa showbiz ay ipinakita niya sa dulong parte ng video ang larawan nila na magkatinginan habang nakahawak sa tiyan ni Angge ang kanyang non-showbiz dyowa.

Marami ang natuwa dahil finally, ibinandera na nga ni Angeline ang ama ng kanyang dinadala.

 

 

Comment ni @mimo827, “I’m happy to see you happy, Angge.”

“Ganda mo Ate Angge ko. Mahal kita lagi. Happy for you!” saad naman ni @princesschabaa.

Hirit naman ni @lornaroxas, “Nice to see your boyfriend in [the] picture. Sana siya na ang forever mo. Take care of your baby. Stay safe.”

Mukha namang approved na rin sa pamilya nina Vice Ganda para ang lalaki dyowa ni Angeline dahil halata rin sa kanilang mga mukha ang saya para sa singer-actress.

Nag-iwan rin ng comment na tatlong heart emojis ang kapatid ni Vice na si Doctora Tina Viceral.

Ang Viceral family na rin ang nagsisilbing pangalawang pamilya ni Angge simula nang mapalapit ito sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Mas lalo pa ngang lumalim ang kanilang samahan dahil buhat nang mawala ang Mama Bob ni Angeline ay si Nanay Rosario ang tila nagsilbing ina niya na patuloy na gumagabay sa singer-actress.

Sa katunayan ay si Vice rin ang naging punong abala sa naging gender reveal ni Angge na ibinahagi nila sa YouTube channel ng Unkabogable Star.

Related Chika:
Angeline nagbigay ng 5 tips para sa paglaban sa COVID: Nakaisip ako ng meaning ng ANGGE!
Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

Read more...