Xian ibinuking ni Kim: natanggal ang ipin sa sobrang selos, inuumpog ang ulo sa manibela

Xian ibinuking ni Kim: natanggal ang ipin sa sobrang selos, inuumpog ang ulo sa manibela

NINE years nang magdyowa ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim kaya naman abangers na ang kanilang fans sa pag-level up ng kanilang relasyon.

At mukhang wala namang epekto sa dalawa ang paghihiwalay nila ng TV network dahil sabi nga ni Kim, mas lalo pa ngang naging solid ang samahan nila ngayon.

Nananatiling Kapamilya ang actress-TV host habang nasa GMA 7 na ngayon si Xian na malapit na ngang mapanood sa upcoming Kapuso series na “False Positive” with Glaiza de Castro.
Aliw na aliw kami sa bagong vlog ni Kim sa YouTube kung saan game na game na sumabak ang tambalang KimXi sa question and answer session.

Dito, ibinuking ni Kim na mas seloso raw ang kanyang boyfriend kesa sa kanya. Pero mariin naman itong kinontra ng aktor at sinabing ang aktres daw ang mas madalas magselos.
Sey ni Kim, “Hindi ako. Ikaw yung sobra!” Na sinagot naman ni Xian ng, “Ay, di ako seloso, ha. Wala naman akong ano. Chill lang ako, e.”

“Hmmm…” ang pang-aasar naman ng aktres sa kanyang dyowa.

Hirit pa ni Xian, “Ikaw yung maya’t maya, ‘Ano ginagawa mo? Sino kasama mo?'”

Sinang-ayunan naman ni Kim ang tinuran ng binata, “Yun lang. Matanong ako. Pero sino yung inuumpog yung ulo sa manibela?

“Tsaka natanggal yung ipin niya sa sobrang selos niya! Ha-hahahaha!” ang patuloy pang pambubuking ni Kimmie kay Xian.

Depensa naman ng Kapuso actor,  “Hindi yun selos. Nag-away lang tayo nun. Hindi yun dahil sa selos. Wala akong pinagseselosan.”

Wala namang nabanggit si Kim kung ano ang ginawa ni Xian at natanggal ang kanyang ngipin nang dahil sa pagseselos at kung bakit nito inuuntog ang ulo sa manibela.

Samantala, may pasilip din ang magdyowa sa kanilang Valentine date sa Balesin Island sa Polilio, Quezon.

Bukod sa pagsu-swimming nang bonggang-bongga ay nag-food trip, nag-gym together at namasyal din sila sa isang mini zoo. Obvious na obvious sa video ang sobrang pagmamahal nina Xian at Kim sa isa’t isa.
Tawang-tawa rin kami sa eksena ni Kim nang malaman niyang tinuka pala ng mga love birds na hinawakan at inilagay sa ulo niya para sa picture taking.

Nagulat na lang ang dalaga nang sabihin ni Xian na pinagtripan nga ng love bird ang kanyang hat kaya ito nabutas.

Shookt na reaksyon ni Kim, “Oh my god! Yung Chanel ko! Di mo sinabi sa akin!” Sey naman ni Xian habang tumatawa at nagbi-video kay Kim, “Ganyan na talaga yun. Pinaganda nga niya, e. Hahaha! At least may style na!”

“Awww… Kaya pala sabi ni Kuya baka maubos na!” chika pa ng aktres. Base sa isang report, nagkakahalaga raw ng P48,000 hanggang mahigit P51,000 ang nasabing Chanel buck hat.

Sa bandang huli, naibahagi ni Xian na isa sa favorite pastime nila ni Kim ay ang mag-travel, “On our free time talaga, we love driving.”

Pagsang-ayon ni Kim, “Yes, gusto namin pumunta sa malayong lugar kahit kami lang dalawa.”

“It gives us so much joy. Sarap kasi magmaneho ta’s naka-focus lang kayo sa isa’t isa, walang distractions, or anything. I think that’s the best feeling in the world,” pahayag ng aktor.

Related Chika:
2021 Miss World PH Tracy Perez umaming nawalan ng tiwala sa sarili; bitbit ang payo ni Megan Young

Read more...