Si Charlie Cojuanco nga ba ang ‘C’ sa buhay ni Sharon Cuneta?

Si Charlie Cojuanco nga ba ang 'C' sa buhay ni Sharon Cuneta?
ANG “C” nga ba na tinutukoy ni Sharon Cuneta sa kanyang buhay ay ang pumanaw na Tarlac First District Representative na si Carlos “Charlie” Cojuangco?

Ito ang matagal nang tanong ng madlang pipol matapos ang kanyang naging online dialogue noong 2018 sa kanyang Facebook private account na nagngangalang April Mondragon.

Ito ang pangalan ng character ni Sharon sa kanyang blockbuster debut film na “Dear Heart” kasama ang dating asawang si Gabby Concepcion.

Sa naturang online dialogue ay ikinuwento ng Megastar ang kanyang nakalipas na mga relasyon kung saan nabanggit niya sina Richard Gomez, Robin Padilla, Gabby Concepcion, Albert Martinez, Rowel Santiago, at dalawa pang non-showbiz guys.

Pero may isang lalaki sa kanyang buhay na tinawag niya bilang si “C”.

Marami ang nag-iisip na ito nga ay si Charlie lalo na nang aminin niyang muntik na siyang ma-engage sa isang Cojuangco.

Ngunit ngayong araw, February 23, ay tila nasagot na ang tanong kung sino nga ba ito nang mabasa ang post ni Sharon sa kanyang Instagram account na nagluluksa dahil sa pagpanaw ng anak ng bilyonaryong si Eduardo “Danding” Cojuangco.

“I had never lost someone I was extremely close to and who was a big part of my life before, much less an ex-fiancé, until yesterday. So sudden. So unexpected. Too young,” panimula ni Megastar.

Pagkukwento niya, ang mismong asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang nagbanggit sa kanya ukol sa malungkot na balita habang nasa sasakyan at bumibiyahe sa kanilang kampanya kahapon, February 22.

“I thank God my dear husband understood and comforted me as my knees went weak and I suddenly became too quiet in my state of shock,” pagpapatuloy niya.

Ibinahagi niya rin ang kanyang mensahe para sa pumanaw na Cojuangco.

“Dear Charlie, thank you for making me fall in love with Pontevedra, beautiful Balbina, Manang Inyi and the other girls who took such good care of me whenever I was there.

“Thank you for all the meals we shared as former partners-in-food – and being a great shot as my partner in firing guns. For taking such good care of me,” saad ni Sharon.

Ipinagpasalamat rin ng Megastar ang karagdagang pamilyang nahanap niya nang dahil sa Tarlac 1st District representative.

“Most of all, thank you for the family I gained because of you: Tito Danding who treated me like a daughter, Tita Gretchen who is still “Mom” to me whenever I once in a while see her in our building, Abuelita Nuning who never failed to show me how much she loved me even long after ‘us’, even taking care of me in Baguio as I shot “Ngayon at Kailanman,” and always, always, at her beautiful home on Roberts in Pasay; Manong Mark, Manang Kimi, all the nieces and nephews, my ever-loving sister Manang Lisa and forever my beloved sister no matter what, Manang Tina and her Mike, my beloved Manong.”

Ipinagpasalamat rin ni Sharon ang mga pinagsamahan nila na kahit na hindi sila ang nagkatuluyan ay nanatili ang kanilang maganda at espesyal na samahan.

“Thank you for all the memories and good times, for taking care of me. Though we didn’t make it together, I was so happy when you found your Rio and my heart broke for you when you lost her.

“I found my Kiko and my own happiness too. I was happy for you when you remarried, and shocked when just a few weeks later, “THAT” happened (I have no business giving details here), and feel for your new wife.

“Rest now, Carlos. No more pain, stress, init-ulo, problems. I know you are reunited with Rio in heaven and I will pray for your Claudia and Jaime as they face the future without you both…Be happy in God’s loving arms. Our deepest condolences to the whole Cojuangco family, especially Mrs. Charlie Cojuangco. May God give you the strength you will need as you go through these loneliest of times,” sey ni Sharon.

Related Chika:
Tarlac 1st District Rep. Charlie Cojuangco pumanaw na sa edad 58

Read more...