Chie Filomeno aminadong na-intimidate kay Ruffa: As in ‘yung first time ko ulit dito tapos…

Chie Filomeno aminadong na-intimidate kay Ruffa: As in 'yung first time ko ulit dito tapos...

INAMIN ng dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate at GirlTrends member na si Chie Filomeno na na-intimidate siya kay Ruffa Gutierrez.

Habang nagtsi-chikahan ang mga “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Ogie Alcasid sa segment na “Showtime Sexy Babes” ay napag-usapan nila ang look ni Ruffa, isa sa mga hurado ng nasabing segment.

Dito ay pinuri ni Vice ang itsura ni Ruffa at sinabing kahit na medyo may gap ang edad niya sa dalawa niyang kasama na sina Chie at Ronnie Alonte ay hindi pa rin ito nagpapahuli.

Dito ay natanong pa ni Vice kung nai-insecure nga ba siya sa mga bata lalo na at mas bagets sa kanya ang madalas niyang kasama bilang AuthoriTEAM sa segment gaya na nga lang ni Chie pero sinabi niyang hindi dahil gusto raw niyang nakaka-hangout ang mga mas bata dahil nai-imbibe niya ang kanilang youth.

“Pero di ba ‘yung mga Gutierrez, sa sobrang ganda nila, nakaka-intimidate sila? Ikaw, Chie, nung nakita mo si Ruffa Gutierrez, na-intimidate ka?” curious na tanong ni Vice.

“Super! As in ‘yung first time ko ulit dito tapos same kaming dressing room, nalaman kong same kami ng dressing room.Sabi ko, ‘Oh my gosh, makakasama ko si Miss Ruffa,” pagbabahagi ng dalaga.

Biniro pa nga ni Vice na noong nalaman daw ito ni Chie ay ninais daw niyang magpalipat ng dressing room na ikinatawa ng lahat.

Pero sa kabila ng intimidating feeling ay agad namang nag-click ang personality ng dalawa.

“Pero super bait ni Miss Ruffa,” dagdag pa ni Chie.

Nilahad pa ni Ruffa na panay ang pagbibigay niya ng food sa dalaga sa tuwing magkakasama sila.

Dagdag pa niya, “Mabait ka naman, a! (Referring to Chie). At saka nagkasama na tayo sa ‘Love Thy Woman’ kasama si Kimmy (Kim Chiu).”

Related Chika:
Chie Filomeno tumigil sa pagsasayaw matapos ma-bash dahil sa viral video
Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4

Read more...